Karagdagang tsismis ukol sa iPhone 5

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 28th, 2012
Imagen de previsualización de YouTube

 

Mag-iisang taon nang hinuhulaan ng mga Apple fan kung anong bagong teknolohiya ang isasama sa pinakahihintay na iPhone 5. Noong isang taon, parang lumabas na haka-haka na magkakaroon ng holographic projection ang smartphone.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ngayon naman, ang pausong hula ay magiging transparent na raw ang iPhone 5. Ngayon pa lang marami na akong naiisip na bagong app para sa bagong hardware. Isa na doon ang makatotohanang magnifying glass.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Itong huli naman ang pinaka makulit at kalog sa lahat: ang iPhone 5 na nayuyupi tuwing umiinit, at kusang bumabalik sa dating porma. Alin, sa tingin niyo, ang mas magagamit ninyo?

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Fête de la Musique sa B-Side, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 28th, 2012

 

Mula sa Bonifacio Global City noong isang taon, lumipat ang Fête de la Musique sa Makati: mula sa mga bar at hotel sa Makati Avenue, hanggang sa The Collective sa kalye ng Malugay.

 

 

Una akong dumaan sa B-Side (ang Rock Stage ng Fete), kung saan tumugtog ang beinte singkong banda, kabilang na ang Slapshock, Radioactive Sago Project, Ciudad, Outerhope, at Imago. May magkasabay na tumugtog sa main stage ng The Collective at sa loob mismo ng B-Side.

 

 

Medyo nahuli na ang aking pagdating, pero naabutan ko ang Ciudad bago ako lumipat sa Makati Ave.

 

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Ang Barberya ni Jose Rizal

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 22nd, 2012

 

Bago matapos ang Hunyo, hayaan nating maghuling hirit ang ating pambansang bayani para sa buwan ng kalayaan. Dumaan ako sa Manila Contemporary noong isang linggo para sa eksibisyong “Through the Looking Glass: Jose Rizal”, isang pagmumuni-muni tungkol sa iba’t ibang bahagi ng kanyang makulay na buhay.
Kapansin-pansin ang “Sr. Jose ‘El Barbero’” ni Francis Commeyne: tatlong paskil ukol sa pagiging swabe ni Rizal bilang manliligaw at mangingibig. Syempre di nagbabago ang estilo ng buhok: taglay niya ang lahat ng inilistang katangian, o “hairdo”.

 

 

 

May iba’t ibang suklay para sa sari-saring estilo/katangian.

 

 

Alin ka dyan?

Read the rest of this entry »

 
 

1 comentario

 Naliligaw sa Toy Convention

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 21st, 2012

 

Unang beses kong napadpad sa Philippine Toys, Hobbies, and Collectibles Convention (mas kilala bilang Toycon) nitong Sabado.

 

 

Syempre una kong napansin pagpasok ang mga cosplayers (costume players) na nakabihis ayon sa paborito nilang mga personahe galing sa comics, video games, atbp.

 

 

Hindi ko nakilala lahat ng mga laruan – siguradong tanda ng aking edad.

 

 

Pero maraming mga bagong laruang sariwa pa mula sa mga pinaka huling pelikula base sa comics.

 

 

Naaalala niyo pa ba ang sinauna at orihinal na kuwento ng X-men?

 

 

Anong mga grupo ang kinabilangan ni Gambit?

 

 

Buti naman at isinama si Bruce Lee (taong tunay na magaling sa martial arts) sa listahan ng mga superhero.

 

 

May mas bagay pa ba kay Christopher Reeve sa papel na Superman?

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Barong Tagalog bilang bestida

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 15th, 2012

 

Maraming naaliw nang lumabas ang sarili nating Barong Tagalog sa mga fashion show sa Milan para sa Spring/Summer 2012 collection ng atelyer ni Valentino. Nagsilbing isang uri ng paglalagay ng porma sa lace ang mga likha.

 

 

Naulit naman ito sa Holiday 2012 show ni Veejay Floresca noong Philippine Fashion Week sa Mayo. Sadyang presko ang Barong Tagalog, na kadalasan ngayon ay gawa sa cotton, piña, o jusi. Ito ang isa sa mga namana natin sa kasuotan ng ating mga ninuno na sa kalaunan ay naging pambansang pananamit at uniporme para sa mga mahahalagang okasyon.

 

 

Dito, pinaghahalo ni Floresca ang materyal ng barong sa lace at sa leather. Ang ganda ng kinalabasang pagsasama ng mga kultura.

 

 

Ang dating payak ay di lamang naipagdiriwang, higit na madaling gamitin ng lahat: kapwa babae at lalaki.

(Mga imahen galing sa style.com at Status magazine)

 

El Bosquejo

 
 

Leave your comment

 Maligayang Araw ng Kalayaan!

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 12th, 2012

 

Oo, marami pa ring malungkot dahil sa pagkatalo ni Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Timothy Bradley, at hanggang ngayon pati rin sa pagkatalo ni Jessica Sanchez, isang Filipina-Mexican-American sa American Idol. Ngunit ngayong araw, higit na mahalagang isaisip ang lahat ng Pilipinong nagpunyagi at nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa: ang ating tunay na mga bayani.

 

Ngayong araw, ika-12 ng Hunyo, ang ika-144 na anibersaryo ng pagtatag ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Totoo, andami pa rin nating suliraning di masolusyunan matapos ng halos isa at kalahating daang taon. Hanggang ngayon, marami pa rin sa atin ang watak-watak. Walang nagsabing madali ang mamuno sa halos isang daang milyong tao, isama mo pa ang ga-higanteng mga problema pagdating sa pakikitungo sa ibang bansa.

 

 

Ngunit hindi ngayon ang panahon para maliitin ang ating mga tagumpay. Pagkatapos ng tatlong siglo sa ilalim ng mga Espanyol, nabuo ang ating iisang identidad na sumasaklaw sa 7,107 na isla ng Pilipinas. Tumindig tayo bilang sambayanan. Matapos ng pagmamalabis ng mga mananakop, nagising tayo bilang isang bansa.

 

 

Ngunit hindi nakakamit ang kalayaan sa pamamagitan lamang ng isang digmaan. Patuloy dapat itong ipinaglalaban. Araw-araw tayong titindig, sa pamamagitan ng pangkalahatan at sari-sarili nating mga gawain.

 

 

Araw-araw nating itinataguyod ang kalayaan ng ating bansa, at di lamang laban sa modernong mananakop, kundi laban sa inutil na mga pinuno, sa ating ugali, at sa kalakarang sumisira at nagpaparupok ng lipunan.

 

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Lace, florals, at python sa Myth

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 8th, 2012

 

Ilang taon nang nasa Greenbelt 5 ang tindahang Myth, isa sa mga Pinoy-only na boutique sa ikalawang palapag ng naturang mall. Kita kagad sa pintuan ang mga pangalan ng mga beterano at baguhang designer na bumubuo sa grupo: sina Randy Ortiz, Chris Diaz, Francis Libiran, Henri Calayag, Jing Monis, Joel Escober, Joey Samson, Louis Claparols, Noel Crisostomo, ProudRace, Robin Tomas, at Xernan Orticio.

 

 

Itong mga bestidang lace ni Joel Escober ang isa sa mga una kong napansin pagpasok ng boutique.

 

 

Imbes na karaniwang itim na kulay ang ginamit, asul ang pinili ni Escober, na kanyang ipinatong sa cream. Asyano ang dating ng burda, malalaki ang kumpol at di kasimpino ng maka-kanluraning dibuho.

 

 

Kapansin-pansin din itong mga floral na polo ni Randy Ortiz para sa Myth. Kagad kong nalala ang kamisang suot ng maglalatik dahil sa pulang polo sa gitna. Oo, kakatapos lang ng panahon ng tag-init sa Pilipinas, ngunit sa palagay ko babagay pa rin ang bulaklaking damit para sa umaga.

 

 

Mga blazer naman ni Ortiz sa matitingkad na kulay at beige, kasama ng floral at paisley na print. Kung medyo nahihiya pa ang mga kalalakihang umagaw ng pansin, ibagay lamang sa maong at khaki: siguradong hindi niyo mamimiss ang tag-init.

 

 

Kaiga-igaya ang shop window ng Myth dahil napapalamutian ng mga kuwintas at sinturon ni Chris Diaz na yari sa sigay (ginagamit sa sungka), semi-precious stones, crystal, at plastic.

 

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Sumali sa World Environment Day Challenge!

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 5th, 2012
Imagen de previsualización de YouTube

Bago ang lahat: maligayang Pandaigdigang Araw ng Kalikasan! Ano ba itong World Environment Day Challenge? Panoorin itong maiikling video mula kina Gisele Bündchen, Ian Somerhalder, at Don Cheadle para magka ideya.

 

Imagen de previsualización de YouTube

Taon-taon, ipinagdiriwang ng United Nations ang World Environment Day tuwing ika lima ng Hunyo. Nangunguna ang United Nations Environment Programme (UNEP) sa pagpapaalam sa nakararami ukol sa mga inisyatiba tungo sa pangangalaga ng kalikasan at paglunsad ng mga programa para sa sustainability. Ang tema ng World Environment Day para sa 2012 ay “Green Economy: Does it include you?

Ano nga ba ang Green Economy? Sa simpleng salita: ito ang pamamalakad ng negosyo at komersiyo sa pamamaraang nakabubuti sa pag-unlad ng indibidwal at sa kalikasan habang isinasaisip ang pangmatagalang epekto ng anumang gawain. Ang pangunahing pamamaraan tungo rito: low carbon emissions, resource efficiency, at social inclusion.

 

Imagen de previsualización de YouTube

Ano naman ang World Environment Day at WED Challenge?

Ang World Environment Day, na hinohost ng Brasil ngayong 2012, ang inaasahang pinaka malaking pagdiriwang sa daigdig tungo sa positibong inisyatiba para sa kalikasan. Pakay ng WED 2012 na hikayatin ang pinaka maraming indibidwal at grupo sa mundo na makisalo sa mga gawain alang-alang sa kalikasan.

Para sa WED Challenge, kailangan lamang pumili ng inisyatibang pinaka malapit sa inyong puso: maging pagtatanim ng halaman o pagtitipid ng kuryente. Kailangang pasok ang mga entry sa alinman sa mga category (may pipiliing kampyon para sa bawat isa): People (paramihan ng tao), Creativity (makabagong paraang “out of the box”), Buzz (madaling kumalat sa internet), Impact (malaki ang epekto sa nasasaklaw), at Theme (ayon sa temang “Green Economy: Does it include you?”).

Mamimigay ng 5 fuel-efficient na kotse ang Kia Motors sa bawat kampyon. Ano pang hinihintay niyo? Mag-register na!

 
 

Leave your comment

 Kasiyahan ayon sa Colors magazine

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 1st, 2012

 

Ano ba talaga ang tunay na nagpapasaya sa atin? Ito ang pambungad na tanong sa bagong issue ng Colors magazine. Karugtong siguro nito: ano ang nagpapabangon sa atin sa umaga, ano ang nagpapagaan ng ating loob, ano ang ating kakapitan kahit na saksakan na ng hirap? (Di lang basta saging ang nagpapagaan ng ating damdamin…)

 

 

Bahagi ng nilalaman ng issue ang ilang sanaysay tungkol sa pag-ibig, sa tamang pag-iisip, sa paghahanap ng kahulugan sa buhay, at pagsuri sa ugat ng ating mga problema.

 

 

Nasa lugar ba ang paghanap ng kasiyahan? Nasa materyal na bagay ba o sa pagmamay-ari?

 

 

Sa unang tingin, sa palagay niyo ba ay masaya ang mga batang itong may hawak ng kahoy sa hugis ng mga baril?

 

 

Mas masaya ba sa siyudad o sa kabundukan? Sa pagtrabaho buong araw sa opisina o sa pagkayod sa taniman? Ganun ba kasimple ang pagtanong at pagsagot?

 

Read the rest of this entry »

 
 

Leave your comment

 Maligayang kaarawan, United Blogs of Benetton!

by Be-Blogger Pilipinas on: Mayo 29th, 2012

 

Sa bawat isa sa ating labing-anim na blogger, sa mga mambabasa, sa administrator ng United Blogs of Benetton, at sa lahat ng kapamilya sa United Colors of Benetton: maligayang kaarawan!

 

 

(Di ko sinasadyang mapapikit habang umiihip ang hangin.) Naaalala ko pa noong una akong nag-blog para sa Benetton. Para iyon sa IT’S MY TIME Global Casting campaign noon pang 2010. Iilang blogger pa lang kami noon, at ngayon, makalipas ng dalawang taon ay labing-anim na kaming lahat. Ako na lang at ang Montaigne Street at Botica Pop ang natira mula sa IT’S MY TIME, naging blogger na rin si Magali (ang model na nanalo mula sa Pransya), at ang dami pang nadagdag mula sa Chile, España, Pransya, Italya, Korea, Mehiko, Olandia, Perú, Portugal, Turkey, Rusya, Colombia, Bulgaria, at Tsina. Sana lalong lumaki pa ang ating pamilya!

 

El Bosquejo

 

 
 

Leave your comment