Di ko akalaing magtatagal ako sa isang art exhibit sa mall. Buti na lang at tumigil ako sandali sa pag-shopping at sumilip sa mga larawang nakapaskil sa Power Plant Mall nitong huling Linggo.
Pinamagatang “Lost” ang group exhibit. Patungkol ito sa iba’t ibang uri ng kalungkutan at pag-iisa ayon sa iba’t-ibang pintor.
Tinatanong ng exhibit kung tunay nga bang malas kung sakaling mawala ka o maligaw, o kung, sa kantunayan, kailangang mawala bago tunay na matagpuan ang sarili.
Umikot ako sa pinaghalong imahen ng pantasya, takot, kalungkutan, pag-iisa, at pagkabagot.
Merong mga larawang magaan sa paningin, pahapyaw. At meron ding buntis sa mabigat na palaisipan.
Sino ba namang di maliligaw sa mall?
Sinong di makakalimot sa sarili pagsabak sa siyudad, kung saan binubura ng kongkreto ang iyong pangalan?
Kung madaling mawala sa dalampasigan pagtapak ng paa sa humahaplos na mga alon, madali ring malunod sa dilaw na karagatan ng San Mig.
Sa ating bawat paggising, sino ba ang nakikita sa salamin?
Sino ang tumitingin?











leave your comment