Ang buod ng bungo: Jerome Lorico

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 6th, 2011

 

E ano naman ang kuneksyon ng kalansay at fashion?

 

 

May kinalaman ba ang mga bungo sa pananamit, samantalang di naman sila dinadamitan?

 

 

Para kay Jerome Lorico, isang premyadong designer, sa paghahanap ng kahulugan at sa pagkilala ng tao, kailangang tumingin lampas sa laman.

 

 

Tinatagos ng liwanang ng ideya ang mga bagay na di mahalaga.

 

 

Kaya sa eksibit kasama ng isang Swiss watchmaker, ipinagtambal ang mga likha ni Jerome Lorico sa mga accessory ng OS.

 

 

Tampok sa mga damit ni Jerome ang ginantsilyong tela, na sabi niya sa akin ay may halong sinulid buhat pa sa pinya.

 

 

 

 

Ano ang iyong nakikita?

 

 

Ang pagkakabuhol-buhol ng anino at kulay itim?

 

 

 

 

O ang pagsasabalat ng nakabibighaning ideya?

 

 

 
 

leave your comment