Bagsak-presyo sa Quiapo

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 7th, 2011

 

Nakapagkuwento na ako dati tungkol sa aking pamamasyal sa Divisoria, ang puntahan para sa murang kagamitan, pagkain, damit, at kung ano-ano pa. Ngayon, gusto ko naman ipakita kung ano ang ibinibenta sa mga kalye ng Quiapo, kung saan ako pumupunta para bumili ng iba’t ibang klase ng abubot.

 

 

Bagsak-presyo sa Quiapo ang prutas, gulay, at isda.

 

 

Wala na yatang palengkeng makatatalo sa presyong Quiapo.

 

 

Kaya kung mapadaan ka man, para magsimba, mamili ng equipment para sa iyong kamera, o parts ng electronics galing sa Raon, huwag palalampasin ang mga paninda sa mga bilao.

 

 

Gusto mo ng calamansi juice?

 

 

Piniritong isda?

 

 

Kamatis at panggisa?

 

 

Kahit alimango at daing, meron dun.

 

 

Kamote at ube, kalabasa at talong, itlog na pula at puti, malunggay at pechay, patatas at mani, sitaw, bataw, patani!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 
 

leave your comment