Ika-16 na French Film Festival sa Manila

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 8th, 2011

 

Nasa kolehiyo pa yata ako nung una akong nanood ng mga palabas sa French Film Festival. Doon ko yata unang nakita sa pelikula sina Gérard Depardieu at Catherine Deneuve, napanood ang mga likha ni François Ozon. Ngayo’y (bukas na!) panahon na muli para magbabad sa French films.

 

 

Kasama sa mga palabas ang “l’Autre” na tungkol sa paghihiwalay ng dalawang magkasintahan. Ang pagpasok sa buhay ng isa pang babae ang mag-uudyok kay Anne-Marie na halos mabaliw sa selos. Ang “Le Marquis” naman ay tungkol sa isang Pranses na salesman na nabilanggo sa Pilipinas at nagkunwaring siya ang matagal nang hinahanap na “Le Marquis”, isang mautak na magnanakaw.

 

 

Nakatuon ang pansin ng “Dernier des fous” sa bakasyon ni Martin, isang 11-taong-gulang na bata na galing sa isang magulo at watak-watak na pamilya. Ang “La Cérémonie” naman ay tungkol kay Sophie at Jeanne, na may pisikal at mental na kapansanan, at kung paano sila magrerebelde sa mga amo ni Sophie.

 

 

Sa “La Tête de Maman”, naniniwala si Lulu na isang dating mangingibig ang dahilan ng kalungkutan ng kanyang ina, kaya sisikapin niyang hanapin ang lalaki. Magkapatid na babae naman ang magtutunggali sa “Dans les Cordes”. Maglalaban sina Angie at Sandra sa boxing ring para maging susunod na French boxing champion.

 

 

Tahimik lang ang buhay ni Hélène sa “Joueuse”, kapiling ang kanyang asawa at anak. Pero hahanapin niya ang kanyang pagkatao sa larong chess. Pagtataksilan naman ni Maitè ang kanyang asawang nakulong sa pelikulang “7 ans”. Gugulo ang kanilang buhay dahil karelasyon ni Maitè ang warden ni Vincent, ang kanyang asawa.

 

 

Di lang puro seryoso ang mga pelika sa French film festival. Maraming pagdaraanang pagsubok si Adèle sa “Les aventures extraordinaires d’Adèle Blanc-Sec”, kung saan magtatangka siyang kunin mula sa Ehipto ang isang sinaunang kabaong upang dalhin sa Europa. Base naman sa aklat pambata ang “Arthur 2: et la Vengeance de Maltazard”, kung saan haharapin ni Arthur ang pagkamuhi ng dating kalaban.

Ang kumpletong iskedyul

Sana makanood kayo. Kitakits sa Shangri-La Mall!

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment