Ang buhay na larawan

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 10th, 2011

 

Malamang nabasa o napanood niyo na ang isa higit pa sa mga kuwento ni Harry Potter, kung saan gumagalaw at nagsasalita ang kanilang mga diyaryo upang magpakita ng kuwento.

 

 

Matagal-tagal na rin ang file format na GIF (graphics interchange format), na madalas gamitin para sa simpleng animation sa internet. Pero nung dumating lang ang mga tablet tulad ng iPad na naisipang gamitin ang ganitong uri ng animation para sa fashion magazine.

 

Ngayon, di lang mas madaling makita kung paano sumasabay sa kilos ng katawan ang mga damit, mas madali rin para sa mga editor ilahad sa mambabasa ang damdaming ng isang editorial.

 

 

Galing sa libreng unang digital edition ng Vogue Hommes Japan ang mga larawang ito.

 

 

Sana dumami pa ang ganitong klase ng ediorial, at sana gamitin din ito para sa ibang bagay, tulad ng interiors, sports, at kung ano pang magazine na may digital na platform.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment