Moonleaf Tea Shop, Diliman, QC

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 13th, 2011

 

Meron akong bagong paboritong tambayan. Lampas isang oras ang biyahe galing bahay, pero limang beses na akong nakapunta sa Moonleaf Tea Shop sa Maginhawa Street, UP Teacher’s Village.

 

 

Ilang araw pa lang bukas ang bagong branch ng Moonleaf (mas maliit ang naunang branch), alam ko nang mabilis siyang sisikat.

 

 

Malapit ko na atang matikman ang buong menu.

 

 

 

Ilan sa pinaka gusto kong drink: Lychee Yakult, Passion Fruit Yakult, Wintermelon Black Tea, at Lychee Jasmine Tee (na may kasamang nata o pearls). Nakapila na sa listahan ko ang Lychee Nata (oo, mahilig ako sa lychee), Wintermelon Oolong Tea, Oolong Milke Tea, Pudding Milk Tea, at anumang may pudding!

 

 

Libre ang WiFi, kaya puwede dun magblog, mag-edit ng pictures (maraming customer na photographer), o makinig/manood ng K-pop (maraming adik sa K-pop sa Moonleaf).

 

 

Halos mapuno na ang kanilang bulletin board. Nakikita mo ba ang calling card ko?

 

 

Ito yata yung pangatlo kong araw sa Moonleaf. Madalas siyang napupuno pagdating ng gabi, pagkatapos ng iskwela at trabaho.

 

 

Kung ano-anong drowing. May pera pang naka-thumbtack.

 

 

Syempre, masarap ding bumalik dahil laging andun ang mga kaibigan.

 

 

Easy easy lang.

 

 

Sana magkaroon na rin ng Moonleaf Tea Shop sa Makati.

 

 

Kung sakali, baka dun na ako tumira.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment