Bagito sa Foursquare

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 14th, 2011

 

Bumigay na rin ako sa Foursquare. Sa loob ng ilang oras, nakakuha na ako ng isang badge at naka-check-in sa sampung lugar. Naisip ko lang na tutal naghahanapan naman tayo sa Twitter; ba’t di na lang ipaalam sa mga kaibigan kung saan ako nagpupupunta.

 

 

Una akong pumunta Ritual sa The Collective, isang tindahan ng kape, asin, bigas at asukal, tablea, damit, abubot sa bahay, at marami pang ibang produkto na halos lahat ay yari sa Filipinas, at nagpapahalaga di lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa pangkabuhayan ng mga lokal na komunidad.

 

 

Habang nakasakay ng dyip, inusisa ko ang mga feature ng Foursquare at nalamang magagamit din pala siya sa paghanap ng mga lugar na makakainan at ma-shoshoppingan. Syempre, kape at tsaa ang madalaas kong sinasadya.

 

 

Di ko pa na-aadd ang mga kaibigan mula sa Facebook, Twitter, at kahit na Gmail. Saka na. Papunta ata ako nito sa MRT sa Buendia.

 

 

Matagal-tagal na rin akong di nakakasakay ng MRT. Medyo nagulat lang ako kaya ganyan ang reaction, hehe.

 

 

Nagulat din ako dahil puwede palang mag-check-in sa mga monumento. Ano naman ang sasyay ng meyor ng rebulto?

 

 

Sa wakas, nakarating na ako sa katapusan ng aking post sa Foursquare at sa aking pakay sa araw na ‘to: sa Moonleaf Tea Shop, kung saan umorder ako kagad ng oolong-based wintermelon milk tea na may pearls! Sarap! (Di ko ata matatalo si Ziggy Savella bilang meyor. Dun daw kasi siya nakatira.)

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment