Designer na damit

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 15th, 2011

 

Nagkita kami ni Drei Soriano, isang Pinoy na designer, sa isang kapihan para ako masukatan. Liban sa mga kasal ng kamag-anak at para sa barong at amerikana, di pa ata ako nagpapasukat para magpagawa ng damit.

 

 

Dinala niya ang ilang mga damit galing sa kanyang Holiday 2011 show sa Philippine Fashion Week.

 

 

Ito ang itsura ng jacket sa lookbook ni Drei.

 

 

Nung nakita ko itong amerikana sa runway, pinag-isipan ko kagad kung gusto siya kunin.

 

 

Eto siya suot ng model sa catwalk.

 

 

Isa pang jacket na may zipper at cutouts sa harap.

 

 

Pero wala na atang tatalo sa jacket na ‘tong may zipper sa balikat at may mala-X-men na stripes sa harap at likod.

 

 

Eto siya sa runway.

 

 

Di ko matiis sukatin sa Coffee Bean. (Syempre binili ko na kagad.)

 

 

Sayang di nadala ni Drei ang mga polo, shorts, at pantalon na kulay gray/blue na gusto ko ring makita. Para dito ako nagpasukat.

Sa susunod na linggo, magkikita kami para makuha ko na ang polong pinalagyan ko ng zipper sa balikat para puwede matanggal ang manggas, pati na rin ang pantalon na may tuloy-tuloy na zipper.

Excited! Masaya pala magpatahi.

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment