Maligayang kaarawan, Jose Rizal

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 16th, 2011

 

Sa darating na June 19 ang ika-150 na kaarawan ni Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Filipinas. Parang hindi basta tsamba na ang ating Araw ng Kalayaan ay June 12, ilang araw lamang mula sa kanyang kaarawan.

 

 

Bilang pagdiriwang, nagdaos ang Ayala Land ng art exhibit sa tatlong underpass sa Makati at nagkaroon ng concert sa Ayala Triangle Gardens. (Kaliwa: “Juventud” ni Jef Carnay, kanan: “Studies on Rizal” ni Ben Cabrera)

 

 

Nung napadaan ako sa dalawa sa tatlong underpass, tumigil ako para matingnan ng mas mabuti ang mga larawang nakapaskil sa dingding: iba’t ibang hitsura ni Rizal ang makikita. (Kaliwa: “Spell ‘Rizal’” ni Farley del Rosario, kanan: “Your Honors” ni Raymond Legaspi)

 

May iba’t ibang paglalahad ng kanyang mga pangarap para sa bansa. (Kaliwa: “Patria” ni Lina Ciani, kanan: “The Visionary” ni Pam Yan-Santos)

 

 

Patuloy na ipinapaalala na ang kalayaan ay walang katapusang pagtutunggali. (Kaliwa: “Dangerous Ideas” ni Michael Cacnio, right: “Susi” ni Lotsu Manes)

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment