Behind the scenes sa isang fashion editorial

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 18th, 2011

 

Nakalatag ang mga damit mula sa “Pure”, ang pinaka bagong collection ng Paradigm Shift na dinisenyo nina Karl Leuterio at Mike Magallanes. (Sa susunod ko na pagtutuunan ng pansin ang mga damit.)

 

 

Sa ngayon, tingnan natin kung paano binuo nina Enzo Mondejar (photographer) at Eric Poliquit (stylist) ang isang editorial na nagpapatampok ng Paradigm Shift. Eto si Eric habang sinusuotan si Düane, ang model, ng kuwintas.

 

 

Kapag nakita mo ang pinal na larawan, di mo iisiping kinunan lang pala sila sa liblib na sulok ng University of the Philippines.

 

 

OS ang gamit na accessories.

 

 

Mala-Stonehenge na batuhan.

 

 

Sa mismong shoot, ang photographer lang at stylist ang nakakaalam ng patutunguhang larawan. Masarap laruin sa guni-guni kung ano ang posibleng kalalabasan.

 

 

Ilang lugar sa UP ang inikot namin, magkakalapit lahat.

 

 

Nilagyan ng plastik na bulaklak ang sapatos ni Düane. Ang ganda na ng kulay ng paligid kahit di pa na-eedit ang larawan.

 

 

 

Siyempre, walang lalabas na drum o timba. Kung lalabas man, hindi kulay asul.

 

 

Naiinip na ata si Chunli, ang alagang Shar Pei nina Enzo at Eric.

 

 

Action shots.

 

 

At sa wakas natanggal na rin ni Düane ang kanyang make-up.

 

 

Ang henyong stylist at photographer. Bisitahin ang kanilang mga blog para makita ang pinal na editorial: Enzo Mondejar at Eric Poliquit. Sabihin niyo sa akin kung inasahan niyong ganun ang kalalabasan.

 
 

leave your comment