Sa Ritual, The Collective, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 21st, 2011

 

Ilang beses ko na ring nadaanan sa Legaspi market ang puwesto ng Ritual, isang tindahan ng Philippine-made na sabon at iba pang kagamitang pambahay, pati na rin ng kape, asin, bigas, at sari-saring organic na sahog. Ngayong may isang buong tindahan na sila sa The Collective sa Malugay Street, Makati, dumami na ang uri ng kanilang paninda.

 

 

Meron na silang jam, herbal drink, at pati na rin panlinis ng bahay.

 

 

Iba’t ibang kulay at tapang ng suka. Isama pa ang plato, mantel, at basket.

 

 

 

Naaalala mo pa ba ang mga lumang lalagyan ng 3-in-1?

 

 

Grapefruit liquid soap.

 

 

Tablea at batidor na gawa sa kahoy ng bayabas.

 

 

Deodorizer at panlinis na gawa sa lemongrass at citronella.

 

 

Ang jam sa ibabaw ng kagamitan sa pagtatahi at sa pagluluto.

 

 

Organic na bigas galing sa Nueva Ecija at cacao buhat sa Bicol.

 

 

 

Organic red rice.

 

 

Samu’t saring gamit mula sa ibang lugar o sa ibang panahon.

 

 

Kape!

 

 

Oil na galing sa citronella, lemongrass, at eucalyptus.

 

 

Baking soda at borax. (Para saan ang borax?)

 

 

Pulbos, tawas, at teabag.

 

 

Gasera gawa sa lalagyan ng ketchup at maling.

 

 

Handmade na sabon na may nakakaaliw na kulay, amoy, at pangalan. Kakaiba ang paghahalo nila ng ingredients.

 

 

Loofah, gawgaw, at sabon galing sa iniwan ng anay.

 

 

Tiffin at tote.

 

 

Mga damit na 100% na yari sa Filipinas: mula sa paggawa ng sinulid hanggang sa pagtahi ng manggas.

Pinahahalagahan ng Ritual ang pagiging eco-friendly ng kanilang mga paninda, at ang pagtulong sa mga lokal na pamayanan sa bansa sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang buhay bilang artisano. Para sa kanila, kung may kailangan tayong kagamitan at mahahanap naman sa Filipinas, hindi na kailangang bumili pa ng imported.

 

 

Eto ang mga binili ko sa Ritual: ang tote, kape, at polo.

Babalik pa ako sa The Collective para naman sa iba pang mga tindahan.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment