Adik sa magasin

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 23rd, 2011

 

May nabasa/napanood ako dating aklat/pelikulang nagsasabing may dalawang klase ng tao: yung nagbabasa ng libro at yung nagbabasa ng magasin. Sabi rin sa isang kanta na mainam na iwasan ang beauty magazine dahil sasama lang ang loob mo at papangit ang iyong tingin sa iyong sarili.

 

 

Syempre di ako sang-ayon sa dalawang quote. Para sa akin, maaari mo rin namang kahiligan ang mga magasin kahit na palabasa ka ng libro. May ibang aliw ang pagtingin sa mga larawan: mula sa masining na photograph hanggang sa fahion editorial. Higit pa, marami kang mapupulot na bagay na magagamit sa pang-araw-araw na buhay. (Di naman natin kailangan lahat magmukhang model.)

 

 

Totoo, mas madaling malaos at mapaso ang mga larawan sa magasin, di tulad ng mga tula at kuwento sa libro, kaya kailangan buwan-buwan (o bi-monthly, quarterly, at semi-annually) may bago.

 

 

Una akong namili ng mga magasin sa Booksale, kung saan tatlong buwan at mahigit na paso ang mga issue kaya mas mura ang benta. Halos malula ako sa dami ng klase ng magasin. Booksale na siguro ang dahilan kung paano ko nakahiligan ang fashion. (Syempre may libro din dun.)

 

 

Nakaka-adik tumingin sa magagandang larawan, sa masining na paglalahad ng damit, props, atbp sa isang fashion editorial. Halos parang katulad din sa libro, kung saan napapadpad ka sa ibang lugar o panahon.

 

 

Makikita sa mga larawang ito ang ilan sa mga paborito kong magasin, karamihan pang-menswear lang.

 

 

Syempre, lalong dumami ang mga paborito kong title dahil sa iPad, pero sa susunod ko na siguro ikukuwento yun.

El Bosquejo

 
 

leave your comment