Benetton sa Foursquare

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 29th, 2011

 

Nasa Foursquare din pala ang Benetton.

 

 

Syempre, nung malaman ko, kahit na alas kuwatro nang umaga, sinubukan kong “puntahan” ang mga Benetton branch sa Manila. Una ang Trinoma. Bilang bagito sa Foursquare, di ko alam na puwede pala mag-check-in kahit wala ka sa lugar na ‘yon. Kaya ayan.

 

 

Akala tuloy ng mga kaibigan ko atat ako mag-shopping. Sa Robinsons Galleria, Ortigas ang susunod.

 

Ayan tuloy, naka-unlock tuloy ako ng School Night badge nang di sinasadya. Kahit na di na ako mag-aaral!

 

 

Lumabas kasi lahat ng check-in ko sa Twitter kaya nalito pati mga kaibigan ko, hehe. Hamo, sa susunod kong check-in, andun na talaga ako. Sa Podium siguro?

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment