Miadore x Seven Barretto x Fadal

by Be-Blogger Pilipinas on: Junio 30th, 2011

 

Ang ibig sabihing ng Fadal ay Fashion Designers Alliance Manila. Ang kapisanang Fadal ay kasalukuyang binubuo nina: Jaz Cerezo, Levenson Rodriguez, Lizanne Cua, Gerswin Qua, Cheetah Rivera, Karl Leuterio, Mike Magallanes, Ulysses King, Jilla Sara, Noelle Llave, Nico Agustin, Dave Ocampo, Mark Tamayo, Cherry Veric, at Clint Catalan.

 

 

Kagabi lang ay nagdaos ng event ang mga designer ng Fadal sa Bonifacio High Street na nagpatampok sa Miadore, mga accessories ni Yekky Balingit, at ang photography ni Seven Barretto.

 

 

 

Sa bawat photo ni Seven, ibinabagay ang mga kuwintas, brooch, at iba pang alahas sa mga likha ng mga designer ng Fadal.

 

 

Tunay na kakaiba ang Miadore. Sa unang tingin, aakalain mong mamahaling bato o kristal ang gamit.

 

 

Ngunit pag kinilatis, marami kang matatagpuang karaniwang materyales.

 

 

Nakakaaliw ang paghahalo ng mga bagay, tulad ng perlas at tela, plastik at kristal.

 

 

 

Mapapatingin at mapapatingin ka ulit.

 

 

 

Ang suot ng isa sa mga designer, na kapwa paghahalo, ngayon naman ng uri at bagsak ng tela.

 

 

Mabuhay ang Fadal! Sana dumami pa ang kanilang mga proyektong nagdadakila sa pagkamalikhain ng Pilipinong designer.

 

 

 

Hanggang sa susunod na event!

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment