Sinangag Express, open 24 hours

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 4th, 2011

 

Pangalawang beses ko pa lang kumain sa Sinangag Express, at sa parehong branch malapit sa De La Salle University sa Taft.

 

 

Kahit tanghali na ako dumating, galing sa gym, dinayo ko pa rin para sa almusal na uso nang hinahain kahit tanghali at gabi.

 

 

Nagulat ako dati nang biglang sinabi ng isang kaibigan na “gusto niya ng sex”. Ano raw? Yun pala SEx ang ibig niyang sabihin, o Sinangag Express na pinaikli. Tatanungin ko sana kung alin ba ang mas masarap, pero gutom na rin ako nun.

 

 

 

Kita niyo namang simple lang ang kainan, at sa tarpolin lang ang menu. Pang-estudyante ang presyo.

 

 

Pero sino ba namang di matatakam sa mga larawan? Sa tingin ko, kahit saan man tayo, hahanap-hanapin natin ang nakasanayang almusal ng sinangag, ulam, at itlog na di kumpleto kung walang suka (meron bang naglalagay ng toyo?). Kahit masanay pa tayo sa waffles at English Breakfast.

 

 

Ang order ko: tapsilog at iced tea. Maanghang lagi ang gusto kong suka.

 

 

Kahit Sabado, dinadayo ang Sinangag Express. Sigurado akong napupuno ito pag oras ng almusal – ng bagong gising at bagong gimik.

 

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment