Spoof hatid ng Electromagnetic Tentacle

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 5th, 2011

 

Matagal na yata tayong may mga spoof t-shirts. Naaalala niyo pa ba ang mga Starbuko na kamiseta at iba pang paglalaro ng brand name na patok na patok mahigit isang dekada na ang nakaraan? Karaniwan na sa mga Filipino ang ganitong uri ng katatawanan, tanggap na sila bilang pangalan ng mga tindahan mula sa mga laundromat (Washamakulit, Let’s Talk Dirty, Kosh Kosh Ayosh), barberya (Hurry Cutter) at kainan (Mami Pakyaw). Sigurado ako sangkatutak pa ang kaya niyong isipin: nagsusulputan ang mga palatawang sign kung saan-saan.

 

Parang Electromagnetic Tentacle na di ko akalaing tatalo pa sa mga lumang spoof tees. Heto ang apat sa mga paborito kong design at kung paano ko sila sinuot sa pang-araw-araw: sina Batman, Lion-O ng ThunderCats, Iceman, at dalawa sa Angry Birds. Sana mag-enjoy din kayo.

 

 

Si Lion-O bilang magtataho.

 

 

 

 

Ang kamay ni Iceman para sa sarili niyang halo-halo.

 

 

 

Angry Birds na pansabong. Sino kayang mananalo?

 

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment