Pormang pang Fête de la Musique

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 6th, 2011

 

Nitong June 25, idinaos ng Alliance Française de Manille, Alternative Assets, at B-Side ang Fête de la Musique sa The Fort, Taguig. Pinagtipon-tipon ng mala-piyestang event ang mga Pinoy na grupo at banda mula sa iba’t ibang genre, kasama ang jazz, swing, funk, world, reggae, Afro-Brazilian, samba, rock, classical, blues, soul, ska, electronica, hip-hop, R&B, punk, atbp. Tumugtog sila sa walong stage mula hapon hanggang madaling araw. Dahil doon dumayo (pati na rin tumugtog) ang mga kakilala ko, sa Indie stage ako tumambay.

 

 

Hindi talaga ako mahilig sa music. (Meydo medyo lang.) Mas napansin ko sa Fête de la Musique ang mga suot ng mga tao. Kaya naman, mas marami akong kuha ng mga damit ng mga nanunood kesa sa mga tumutugtog.

 

 

Simple lang naman, tulad ng karaniwan sa Maynila, ang street scene kahit na sa isang music festival: kamiseta at jeans. Ayos, pwede na.

 

 

Pero napansin mo ba yung polka dot na scarf? Tingnan nang mabuti ang larawan.

 

 

Sa dagat ng stripes, printed tee, at plaid, meron ding paminsan-minsang kakaiba.

 

 

Minsan nasa hikaw at kuwintas ang pagdadala. Mas mahalaga, sa buhok.

 

 

Kita mo sa dilim ang extra-large na salamin? Yan pa rin ba ang paborito ng mga “hipster”?

 

 

Tattoo. Kung di kayang mag-layer, suotin na lamang sa balat ang pagka-fasyon. Alalahanin lang na dapat bagay sa iyong palda, polo, o pantalon. Pansinin ang mga bag at takong.

 

 

Ang sumisilip sa ilalim ng damit.

 

 

Ayan, hipster nga! Puwede ring idaan sa boots, kulay ng buhok, at sa uri ng hat (marami, di lang cap).

 

 

Kahit na mukhang limitado ang mapaglalaruan pagdating sa pananamit, dahil sa init ng panahon, sa ibang bagay lang binabawi ang pagiging fasyon: sa haba, ikli, at taas: maaaring sa damit, sa buhok, sa takong.

Hanggang sa susunod na festival!

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment