Bookay-ukay

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 7th, 2011

 

Ito ang dingding na babati sa’yo pagpasok mo sa Bookay-Ukay, sa 55 Maginhawa Street, UP Teacher’s Village, Diliman, di kalayuan sa Moonleaf Tea Shop. Bago mapuno ng mga nakapaskil na larawan ng mga dating pangulo at pulitiko, ng magsasaka, at bungo sa iba’t ibang anyo, pulos grafiti ang makikita mo (mababasa, kung maintindihan mo). Dito pa lang, alam mo nang di basta-bastang “bookstore” ang Bookay-bukay. Bookstore? Anong bookstore?

 

 

Ayon sa kanilang Multiply site, ang Bookay-bukay ay isang art installation: pansalag at pambato sa malalaking tindahan ng libro, pati na rin sa mga institusyong sumisikil sa malayang pag-iisip. Dinadayo ito ng mga mag-aaral ng UP, lalo na ng mga mahilig magbasa at namamahalan sa mga preyso ng libro sa National o sa PowerBooks. Marami ring makikita ritong mahirap matagpuan sa iba.

 

 

 

Sa mga di pa nakakaalam, ang ibig sabihin ng “ukay” ay wagwagan o ang mga damit na nabibili rito na pawang second-hand, o minsan kung tawagin ay “vintage”. Subalit imbes na damit, libro naman ang tinda ng Bookay-Ukay na pawang nabasa na ng iba o matagal nang di nabibili sa ibang mga bookstore. Nalula ako sa una kong punta. Kahit na maliit lang ang lugar, siksik ang mga estante sa magagandang mga title.

 

 

Liban sa libro, nagtitinda rin sila ng lumang typewriter (di ako sure), keychain, lumang CD, pati na rin ng mga karton ng gatas na may mukha, kamay, at paa.

 

 

Di ko maiwasang isipin ang mga nabasa ko na dati at biglang nakita ulit sa Bookay-Ukay. Parang gusto ko lang umupo at basahin sila ulit.

 

 

Hulaan niyo alin dito ang nabili ko. Isang libro lang. Hindi, hindi yang kulay dilaw na at mukhang nilulumot. Makakahanap ka rin kasi minsan ng bago sa Bookay-Ukay.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment