Liham mula sa kaibigan / Is that you Lolo?

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 15th, 2011

 

Siguro katulad ko, nagtaka ka nung bata ka pa kung anong itsura ng iyong lolo at lola noong wala pa silang uban, kung anong suot nila sa kanilang kapanahunan. Malamang tumuntong ka rin sa bangko, tulad ko, para abutin ang makapal na family album sa estante, para hipan ang bahagyang alikabok.

 

 

Ngunit hindi tungkol sa mga lola at lola ang exhibition sa Silverlens mula June 29 hanggang July 30. Ang “A Token of Our Friendship” ay tungkol sa mga binatang Pinoy bago ng gera na nagpunta sa studio para magpakodak. Kung buhay pa sila ngayon, katumbas ng kanilang mga larawan ang photobooth at neoprint.

 

 

Kinolekta ni John Silva, ang curator ng exhibition, ang mga larawan mula pa sa panahon ng Amerikano (at kahit bago pa nito) hanggang sa huling bahagi ng 20th century.

 

 

 

Hindi kinukuha ang mga larawan para ilagay sa resumé. Sa katunayan, nagsisilbi silang postcard na ipinapamigay sa mga kaibigan para maalala nila ang kanilang pinagsamahan. (Neoprint nga, kumbaga.)

 

 

Mapapansin ang mga damit, backdrop, at props na impluwensiya ng Kastila at Amerikano.

 

 

Sa panahong wala pang email o text, at mas lalong walang Facebook at Twitter, ito lang, kasama ng karaniwang liham, ang paraan upang mangumusta, magpaalam, at magpahatid ng malasakit.

 

 

Mr. Pogi kung Mr. Pogi. Sinaunang bromance? Maaari. Tutal ang buong pamagat ng exhibition ay “A Token of Our Friendship: Philippine Photos of Male Affection, First Half of the 20th Century”. Malay mo, may ganyan rin ang lolo mo.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment