Knit your world

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 18th, 2011

 

Marami siguro sa inyong magtataka kung ano ang silbi ng knit sa Pilipinas, samantalang sa init dito, kahit manipis na kamiseta lang ang suot mo, pagpapawisan ka na nang todo. Pero makikita sa mga nakalap kong cameo mula sa aking blog, na di lang naman makakapal na sweater ang knit: meron ring maninipis na pullover, may knit na kurbata, may knit na scarf. At di rin kailangang itim o gray lahat: maganda rin ang knit sa iba’t ibang kulay.

 

Sigurado ako, mas marami pa kayong mapagpipilian, lalo na mula sa bagong Fall/Winter 2011 collection ng Benetton, kahit na wala naman tayong taglagas o taglamig. Pero bago ko ipakilala ang bagong collection, iimbitahan ko muna kayo sumali sa isang exciting na pa-contest.

 

Magkakaroon ng simultaneous event sa tatlong malalaking siyudad sa Europe sa September 2011. Lahat ng mananalo sa contest ng Benetton ay bibigyan ng pass at iimbitahang makisalo sa bonggang event. Maraming paraan upang sumali sa contest at makihalo sa mga nakahandang activity:

 

Facebook app:

 

Para magamit ang app, maging fan muna ng Benetton page sa Facebook.

 

a. Mag-upload ng picture ng lugar kung saan ka galing. Puwede pumili mula sa Facebook image gallery o kaya’y mag-upload galing sa iyong computer;

 

b. Pipili ka ng isang kulay na pang-edit (tone) sa iyong photo;

 

c. I-select sa listahan ang iyong tinitirhang bansa at siyudad;

 

d. Babaguhin ng app ang itsura ng inupload na picture: lalagyan ng kulay at gagawing “woolly”;

 

e. Ang bagong picture ay ididisplay sa wall ng Benetton Facebook page at isasali sa isang mapa ayon sa kulay at bansa.

 

Twitter: Anong kulay ng iyong lugar?

 

Maging follower ng @Benetton_ucb Twitter account.

 

Mag-send ng message na may #knityw na hashtag at bumabanggit sa pinanggalingang bansa. Ilarawan sa loob ng 120 characters ang kulay ng iyong daigdig.

 

Ididisplay ang mga Twitter message sa Facebook page at ireretweet ng Benetton ang pinaka original at interesting na tweet.

 

Dagdag pa, ang mga #KnitYW message na tungkol sa ilang partikular na lugar ay magiging tip sa Foursquare.

 

Foursquare

 

Tulad ng nabanggit, ang mga pinaka interesting na lugar na pinost at nireport sa Facebook at Twitter ay magiging tip sa Foursquare Benetton page.

 

Magkakaroon ng special sa mga Benetton store sa Munich, Milan, at Istanbul kung saan ang mayor ng bawat isang tindahan ay bibigyan ng pass para maka-attend sa event sa September.

O, ang daming pakulo di ba? Ano pang hinihintay niyo?

Kung ako sa inyo, makikisali na ako sa mga activity at sa contest. Malay mo, magkita-kita pa tayo sa Milan, sa Istanbul, o sa Munich…

Hanggang sa susunod na pasabog!

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment