Behind the scenes: Bosquejo lookbook + FIP video

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 20th, 2011

 

Ito na ang pangalawang behind-the-scenes blog entry ko para sa Benetton (nauna ang para sa Paradigm Shift). Naiiba ito dahil ako mismo ang nag-design at bumuo ng mga accessories para sa pinagsabay na shoot para sa Bosquejo lookbook at FIP Menswear video . (FIP: Fashion Institute of the Philippines)

 

 

Halos isang linggo akong di makatulog bago ang shoot, di lang dahil tinatapos ko pa ang mga kuwintas; syempre, sa kaba, at dahil excited.

 

 

Ito ang kamerang ginamit para sa video.

 

 

Si Terence Lloyd ang isa sa mga model. Sa behind-the-scenes ko lang nalamang di ganun-ganun lang ang trabaho ng isang model: ilang oras din silang nakatayo, nagpapa-cute habang nakabaon ang kanilang mukha sa make-up.

 

 

Hardware ang tawag ko sa unang collection ko sa Bosquejo. Kasi naman, galing talagang hardware (sa Divisoria at Quiapo) ang karamihan sa piyesa: nuts, bobina, at halo-halong abubot para sa sewing machine, TV, belt, at bag.

 

 

Kasapi sa Fashion Institute of the Philippines ang lahat ng designer na nagtahi at nagpagawa ng mga damit sa shoot. Kay Cherry Veric itong makinang na polong gawa sa mesh at sequins.

 

 

Meron din akong mga kuwintas na halos nuts lang ang sangkap.

 

 

Tulad ng sinabi ko, hindi madaling mag-emote.

 

 

Hindi ito gawang Gillette. Stainless steel ang mga razor ngunit di puwedeng pang-ahit. (Pero kaya pa rin atang makasugat.)

 

 

Ginamit ang kuwintas para magmuhang korona ng tinik.

 

 

Para sa video, kinailangan ni Terence na mangisay-ngisay.

 

 

Mas maraming pinagtabing kuwintas.

 

 

Alalahanin itong larawan pag pinanood mo na ang video sa ibaba.

 

 

Si Rxandy Capinpin ang photographer ng shoot. Si Ryuji ang nasa likod niya.

 

 

Pambihirang photog-stylist partners sina Rxandy at Ryuji. Nagkakaintindihan na sila sa gusto nila kaya ang bilis nilang magtrabaho. Dito pa lang, makikita mo nang maganda ang kalalabasan.

 

 

Hulaan niyo para saan ito.

 

 

Dali, inaantok na si Terence.

 

 

Confetti! Katulong ni Ryuji si Katchie, ang tumoka sa hair at make-up.

 

 

Umuulan ba o nag-aapoy?

 

 

 

 

Maniwala ka, halos lahat ng kuwintas nagamit sa iilan lang larawan.

 

 

Bumagay sa hooded jacket ni Zxander Tan ang pinagkadenang nut at bobina.

 

 

 

 

Di ba’t nakakatakot ang silhouette?

 

 

 

 

Excited na akong ipakita sa inyo ang final product!

 

 

Pero bago nun, isang sayaw muna para sa video.

 

 

(Suspense.)

 

 

 

 

Ayan!

 

 

 

 

At eto naman ako, mula sa salamin ng dressing room. Hanggang sa susunod na behind-the-scenes!

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment