Brunch sa Mercato

by Be-Blogger Pilipinas on: Julio 25th, 2011

 

Alam ko para sa mga beteranong foodie hindi na bago ang tambalang Mercato Centrale (sa umaga) at Midnight Mercato (gabi hanggang madaling araw), pero para pa rin akong batang pinakawalan sa grocery nang una akong pumunta sa sikat na food market sa Fort, Taguig.

 

 

Syempre sa dami ng nadatnan ko doong food stall, kinailangan ko munang ikutin lahat bago punuin ang kumukulo kong tiyan (alas diyes na noon nang umaga). Eto ang ilang putahe para sa Mongolian Grill.

 

 

Stuffed tomatoes na mukhang laruan.

 

 

Patatas na may bacon!

 

 

 

Mayroon rin syempre para sa mga nagdyedyeta (“toothpick diet”) at para sa pihikan.

 

 

Sa mga walang pakialam: chicharon at chicharon bulaklak!

 

 

Super duper special galing kay Big Bob.

 

 

Baby tacos ang tawag ko sa kanila. (Wala pang laman.)

 

 

Samu’t saring mani. (Habang umiikot, syempre nakitikim ako ng roasted almonds.)

 

 

Quiche na may spinach st sundried tomatoes. Masarap din!

 

 

Isa pang klaseng quiche. (Quiche muna! Hehe…)

 

 

Ang pinaka katakamtakam sa Mercato: ang mga dessert at minatamis!

 

 

Parang di ko yata kayang basahin ang mga nakasulat nang di naglalaway.

 

 

Siguro naman wala talagang  tutubing kasama sa walnut diba?

 

 

Brownies!

 

 

Muffins at cupcakes!

 

 

Eto na yata ang pinaka malungkot na stall sa buong Mercato.

 

 

Paano mo namang makakagat ang Angry Bird cupcakes?

 

 

O ang mga alipores ni Gru sa “Despicable Me”?

 

 

Kung di niyo kaya, sigurado akong kayang-kaya niyong ubusin ang ice cream ng Fog City. Lalo na yung Ferrero Rocher with Nutella swirl!

 

 

Juice bar pantulak.

 

 

At ang pinaka nagustuhan ko sa lahat: ang ice cream ng Merry Moo! Sea Salt Caramel at Vanilla Passion Fruit ang paborito ko.

Sa susunod, samahan niyo naman ako sa Mercato Centrale, at mas lalo na sa Midnight Mercato, para mas marami akong ka-share!

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment