The Making ng Bosquejo Hardware 001 Lookbook

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 5th, 2011

 

Sa wakas, nailabas na rin ang lookbook para sa Hardware 001 collection ng aking Bosquejo accessories. “Behind the scenes” sana ang pamagat nitong post pero ginawa ko na lang “The Making” para mas makapagkuwento ako di lamang sa shoot, kundi pati na rin sa konsepto sa likod ng accessories at lookbook.

 

 

Ang una ko talagang naisip para sa Hardware shoot ay ang pelikulang “Constantine” na kinatatampukan ni Keanu Reeves.

 

 

Mala-anghel ang papel ni si Jessica Chiao-han Yang, ang babaeng modelo.

 

 

Sa “Constantine”, pinaka malapit na si Gabriel (Tilda Swinton) na naka puti sa pinaka huling mga eksena.

 

 

Si Terence Lloyd naman ang kumakatawan sa mga kampon ng kadiliman.

 

 

Mapang-akit at kumikinang-kinang.

 

 

 

 

Ang kwento sa likod ng lookbook ay ang pagtutunggali, syempre, ng masama at mabuti.

 

 

Di kailangang may sungay ang demonyo, o pangit.

 

 

Syempre, sa mga nakakaalala, nakaputi rin si Satanas sa “Constantine”.

 

 

Baliktad, kaya mas masarap paglaruan ang kahulugan ng pagiging makasalanan.

 

 

Oo, aaminin ko, may bahid itong larawan ng “Twilight”.

 

 

Pero di ba, ganun din naman ang paglalarawan sa mga bampira: masama lang ang tingin sa kanila, ngunit sa totoo, mabubuti silang nilalang.

 

 

Eto, medyo pang catalogue na.

 

 

Kalasag (shield) at armas ang papel ng mga accessories.

 

 

Kumbaga, agimat ng proteksyon.

 

 

 

 

Sa parteng ito, nag-aalinlangan na ang character ni Jessica.

 

 

Saan ba siya papanig?

 

 

Ang hirap namang maging mabuti!

 

 

Maging dalisay at maging birhen!

 

 

Kaya ayan, nadaig siya ng kasamaan. At least naka- couture sila sa impyerno.

 

 

Naisip ni Ryuji Shiomitsu, ang stylist ng lookbook, na magsama ng old-style na bathtub, tulad nung ginamit sa “Constantine”.

 

 

Para puwedeng may malunod, may mabasa. Makuryente?

 

 

Pero dahil kapos sa oras, sa studio na lang ni Rxandy Capinpin, ang aming photographer, ginawa ang lookbook.

 

 

Sabi niya, baka dahil sa lookbook, mauso na naman sa perya ang pagkain ng labaha (razor).

 

 

Ang gagaling ni Ryuji at Rxandy, diba? Binigyan ko lang sila ng konsepto, ilang detalye, at walang kaabog-abog silang nakabuo ng magandang shoot.

 

 

Kabog!

 

 

Kaya sa susunod, sila namang ang aking makakapanayam sa blog na ito. Para naman malaman rin natin paano ba’ng maging fashion stylist at editor.

Hanggang sa muli!

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment