Ang kuwento at kababalaghan ng “The Manang”

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 11th, 2011

 

Kilala mo siya. Oo, ikaw ang kinakausap ko: kilala mo si Manang.

 

 

Tumanda ka man at magkaanak, o magkaapo, sa isang parte ng buhay mo, mayroon kang kinagiliwang tawaging “Manang”. Maaaring yaya mo siya noong sanggol ka pa lang, at nanatili na siya sa inyong pamilya sa iyong paglaki at pagtanda.

 

 

Maaaring “Manang” ang naging pabirong tawag sa iyong solterang tiyahing lagi na lang naglalakbay sa kung anong dako ng bansa, o daigdig.

 

 

Maaaring hanggang Bella Flores lang ng TV at pelikula ang nakasalamuha mo, pero lahat tayo pamilyar kay “Manang”.

 

 

Siya ba ay kapitbahay na nilisan ng di makalimutang irog?

 

 

Nariyan lang siya, unti-unting nag-iipon ng alahas kasabay ng pag-ipon ng kulubot sa noo at labi dahil sa labis na paghintay.

 

 

O, baliktarin ang kuwento, maaaring si “Manang” ang sarili mong lolang di kailanman nawalan ng tikas at tapang sa pagharap ng mga pagsubok sa kanyang buhay (tulad ng pagpapalaki sa iyong magulang at sa iyo mismo).

 

 

O maaari rin namang di mo kilala si Manang, ngunit, lingid sa iyong kaalaman, alam niya ang lahat ng tungkol sa iyo.

 

 

Siya ang manghuhula sa isang sulok sa Quiapo na lagi mong dinaraanan.

 

 

Si “Manang” ang dakilang babaylan ng siyudad, ang tanging nakaaalam ng iyong kapalaran.

 

 

Siya, at hindi si Madame Auring o si Zenaida Seva, ang may hawak ng iyong nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

 

 

O puwedeng rin namang si “Manang” ang pinka-diehard sa mga fan ni Cindy Lauper. (Hindi Madonna, ha.)

 

 

Ang orig. Nauna pa kay Rainbow Brite at My Little Pony and Friends. Ang tanging kakabog kay Gem and the Holograms, isama mo pa ang The Misfits.

 

 

Si “Manang” ba ang totoong Fountain of Youth?

 

 

Ngunit sa lahat ng mga nailahad na larawan nina Enzo Mondejar, Eric Poliquit, at Geno Padillo, wala pa talagang nakapagsasabi sa atin tungkol sa tunay na buhay ni “Manang”, isang pamilyar at halos permanenteng tauhan sa ating mga buhay.

 

 

Sino ba talaga siya? (At sino ang lumalambiting lalaki sa kanyang bestida?)

 

 

Panooring ang video sa ibaba para malaman ang kuwentong itinatago sa pinaka sulok ng kanyang puso at alaala. Bulatlatin ang salaysay ng pag-ibig ng “The Manang”.

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment