Ka-jamming si Paul Jatayna

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 11th, 2011

 

Hindi, hindi ito tungkol sa banda ni Paul Jatayna (meron ba? why not, diba?), kundi tungkol sa kanyang pang-araw-araw na porma. Personal style, kumbaga.

 

 

Pero di malayong sabihing pareho lang ang tama sa kanya ng music at fashion.

 

 

Tulad ng magkakaibang hilig niya pagdating sa tugtugin, mapapansing iba-iba ring style ang bumabagay sa kanya.

 

 

Mula preppy hanggang edgy.

 

 

Hipster hanggang grunge.

 

 

(Oo nga pala, bago kayo magtanong, isa si Paul sa trio na bumubuo sa OS accessories, kaya natural, madalas rin niyang i-model ang kanilang mga gawa.)

 

 

Siguro dapat na akong manahimik at pabayaan ko nang si Paul ang magsalita, sa isa pang maikling panayam, ngayon naman, tungkol sa personal style.

 

 

Mahilig ka sa music. Anong paborito mong genre? Pano sa tingin mo naiimpluwensiyahan ng music ang iyong style?

 

 

Fan ako ng maraming klase ng music. Nagsimula ako sa 90s pop at grunge. Noong high school, na-adik ako sa punk, goth, at heavy metal. Pagtanda, mas naging experimental ako. Ito ang laging laman ng aking playlist: hip hop, indie synthpop dance beats, Lady Gaga, The Cure, mga London underground club track… walang katapusan ang listahan. Na-adik ako sa iba’t ibang genre at alam ko kung paano ako naaapektuhan ng bawat isa.

 

 

Malaki ang impluwensiya ng music sa aking personal style, di lang sa fashion, kundi sa iba ko pang ginagawa. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ang dali kong makahiligan ang iba’t ibang porma. Kung tatanungin, nasa paghahalo [ng impluwensiya] ang aking style. Basta ang ayaw ko ang magmukhang normal. Gusto ko laging may dating na edgy ang anumang gawin ko.

 

 

Merong ka bang style icon? Musician man siya o hindi.

 

 

May ilan akong naiisip, pero paborito ko talaga si David Bowie! Siya na! (He’s a god!)

 

 

Anong paborito mong banda ngayon?

 

 

Nicki Minaj! :) Minemorya ko talaga yung bago niyang mga kanta. Baliw siya!

 

 

E pagdating sa mga aktor?

 

 

Di ko sila siguro tinitingala bilang style icon, pero matagal na akong fan nina Louis Garrell at Tilda Swinton.

 

 

Ano para sa iyo ang “style”?

 

 

Para sa akin likas sa tao ang style, personal. Iyon ang nagbibigay sa kanya ng identidad, kung paano siya naiiba. Dapat lagi nitong sinasalamin ang kanyang pagkatao.

 

 

Naniniwala ka ba sa mga uniform? Na sa kalaunan, lahat ng tao ay mapipirme sa isang style o “look”?

 

 

Oo, nangyayari talaga iyon. Marami akong kilalang mga stylish na tao na komportable na sa isang klaseng style, yung iba bata pa lang. Di ako sigurado kung mangyayari rin sa akin iyon (sana hindi!), pero sa ngayon, masaya lang akong sumusubok sa iba’t ibang style.

 

 

(Para sa mas marami pang outfit ni Paul, puwede niyong puntahan ang kanyang Lookbook page.)

Di ba’t minsan, ang pinaka maganda ang pinaka simple? Swabe lang ang personal style ni Paul, tulad ng kantang masarap sayawan.

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment