Makulay ang buhay Pinoy

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 17th, 2011

 

Parang nararapat lang na sa Agosto lumabas itong editorial nina Enzo Mondejar (photog) at Eric Poliquit (stylist) sa Dubai-based Illustrado magazine. Syempre, dahil Agosto ang buwan ng wika, kung kailan ipinagdiriwang ang pambansa at pangrehiyon na mga lengguwahe ng Filipinas.

“Taas noo, Filipino!” ang motto ng Illustrado, at “Proud to be Pinoy” ang tema nitong editorial, pero higit pa sa mga slogan, kakaiba ito dahil sariwa ang pagka-Pinoy ng mga larawan.

 

 

Oo, kakulay ng ating bandila ang tumutulong pintura na halos maging make-up, pero pansinin ang paghahalo ng mga kulay: wala ka bang naiisip na paboritong kendi (o ice candy) noong bata ka pa? Kahit na sadyang maka-kanluran ang itsura, parang pamilyar pa rin ang dating.

 

 

Fiesta kung fiesta: kasiyahan sa kalsada! Sigurado akong di ka pa nakakaisip ng makulay na pantasya na may cellophane (na minsang ginamit pambalot ng fruitcake) o ng lalagyan ng fishball at hotdog bun.

 

 

 

Kailangan na natin ng sariling salita para sa “cute”, o “kawaii”. Anong naiisip mo pag nakikita mo ito: “kengkoy”, “kwela”, “kalog”, “nakakaloka”? Di ba’t di bagay sa spread na ito ang “kawaii”?

 

 

Ang modernong perya at karnabal.

 

 

Si Redford White at ang dalagang Bella Flores? Di ba pang telenovela? (Setting: ang hinaharap kung kailan ginagamit ang highlighter bilang mascara at sunblock.)

 

 

Ewan ko kung guniguni ko lang, o dahil sa malikmatang dala ng perya ng mga kulay, pero hindi pilit ang dating sa akin ng editorial. Kumbaga sa patalastas: at home ka sa sarap.

 

(Photography: Enzo Mondejar. Styling: Eric Poliquit. Hair and make-up: Nina Dumpa. Models: Manuela Basilio and Gerard Go. Shot at the Mondejar Studio.)

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment