Sari-saring scarf

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 25th, 2011

 

Ang scarf ang isa sa pinaka matalik kong kaibigan sa aking aparador. Bakit? Dahil sa scarf, di ko lang mas natitiis ang pambihirang lamig sa opisina, nakakadagdag pa siya sa anumang simpleng porma.

 

 

Maganda pa sa scarf, puwede siya kahit mainit, basta’t manipis at magaan ang tela, at di gaanong kalapad.

 

 

Kapag makulay o maganda ang pattern ng iyong scarf, siya na ang magiging focus ng iyong outfit.

 

 

Syempre, mahalaga rin ang scarf kapag malamig. Kailangang knit.

 

 

 

O di kaya’y cashmere o wool. Pero kahit sa anumang panahon, masayang gamitin ang scarf bilang accessory.

 

 

Kapag yari sa cotton, puwedeng gawing bandana o turban.

 

 

 

Basta’t alalahaning mahalaga ang pagkakabagay ng mga kulay.

 

 

At higit sa lahat, huwag na huwag kalilimutang mag-enjoy sa tuwing gagamit ka ng scarf. Paliparin sa hangin, malamig man o mainit.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment