Mahal kita, Manang!

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 26th, 2011

 

Sa wakas, natunghayan na rin natin ang maluwalhating kuwento ng pag-ibig ni Manang. Kagabi lamang idinaos ang exhibit, isang collaboration ng OS accessories, nina Enzo Mondejar at Eric Poliquit, at ng mga designer ng Fashion Designers Alliance Manila (FaDAL).

 

 

Muli na naman akong nabighani sa galing ng tambalang Poliquit at Mondejar.

 

 

At syempre ng mga designer ng FaDAL.

 

 

 

Medyo naipaghalo-halo ko na ang mga letratro, pero eto ang kuwento: sa simula, ang daming sumusulat kay Manang, mga manliligaw na nagpapa-cute sa kanya, maging sa liham o sa Twitter.

 

 

Dinumog siya ng magiginoong kalalakihan. Marami siyang natipuhan, pero wala pa rin siyang mapiling iibigin.

 

 

Makailang beses siyang nasaktan at nilisan, at halos mawalan na siya ng pag-asa sa pag-ibig.

 

 

Hanggang sa wakas, nahanap niya ang tunay niyang iniirog, ang lalaking dati pa niya dapat pinagtuunan ng pansin. Ang tanging minamahal ngayon ni Manang: walang iba kundi ang hardinerong si Manong…

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment