Ang pambihirang eskultura ni Gabriel Barredo

by Be-Blogger Pilipinas on: Agosto 30th, 2011

 

Sa unang tingin sa larawang ito ang makikita mo ay puno at bilog-bilog na salamin, mga mukha sa katawan ng puno.

 

 

Paglapit, animo’y ahas ang mga sangang pumapalibot sa mga lente.

 

 

Ngunit makikita mo lamang ang henyo ni Gabriel Barredo kapag napanood mo na itong video: dahil gumagalaw ang kanyang eskultura. (Pagpasensiyahan niyo na. Ngayon pa lang ako nakakuha ng video sa tanang buhay ko. Bahagi itong dalawang eskultura sa katatapos lang na ManilART.)

 

 

 

Kabigha-bighani ang makinasyon: ang malinis at madulas na pagkilos ng mga piyesa na halos mga alon ng dagat. “Embrace” ang nakasulat na pamagat sa tuntungan ng mga eskultura (di ko sigurado alin sa dalawa).

 

 

Malalim ang pinaghuhugutang estetika ni Barredo: pinaghalong silanganin at kanluranin. Pero mararamdaman mo kaagad na parang may nabasa ka nang kuwentong may ganitong mga tauhan, may ganitong paglalarawan. Di lang galing sa Medusa ng mga Griyego, kundi sa mga mito at kuwento ng matatanda sa mga bansa sa Asya.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment