Ang pinakahihintay na iPhone 5

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 7th, 2011

 

Kung maniniwala kang ito nga ang totoong promo video ng Apple para sa iPhone 5, singnipis na lamang ng bagong smartphone ang Super Thins na crackers. Magkakasya na siya sa selyo dahil katumbas na lamang siya ng ilang tinuping piraso ng papel.

 

 

Kung maniniwala ka sa pambihirang video, maaari ka nang mag-type gamit ang “laser image” ng isang keyboard galing mismo sa iPhone 5. Halos wala nang dahilan para magdala pa ng laptop. Hindi na mahihirapan ang matataba ang daliri dahil malaki na ulit ang mga key. Higit sa lahat, wala ka nang kailangang ibulatlat pa mula sa iyong bag para lang magka-keyboard.

 

 

Pinaka kagilala-gilalas sa lahat sa “promo video” ang bago umanong kakanyahan ng iPhone 5 na mag-project ng holographic image, ng video man o ng game na iyong nilalaro. Gaano man kaliit ang screen, mapapalaki ito at makikita ng kahit sino. Isipin mo lang ang makabagong gamit ng Facetime o Skype. Diba ganito sa “Star Trek” o “Star Wars”?

 

Imagen de previsualización de YouTube

 

Ikinalulungkot ng lahat amining haka-haka lamang ang tsismis at gawa-gawa lamang ang video. Kahit na malapit nang ilunsad ang iPhone 5, wala pa ang kanyang totoong promo. Pero masarap isipin, kahit sandali, kung gaano mapapadali ng inimbentong mga feature ang ating mga buhay. May nagsasabing baka sa iPhone 7 o 8, magkakatotoo na. Pero di ba, kahit ngayon pa lang sa iPhone 4 o 3GS, kamangha-mangha na ang iyong magagawa kumpara sa sinauna at matatawag nang “jurassic” na (kung maaalala mo pa) Nokia 5110? Panoorin ang video para ma-senti.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment