Design Talks kapanayam si AJ Dimarucot

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 8th, 2011

 

Nahuli ako nang kaunti pero buti nakahabol ako sa Design Talks series ng Ayala Museum, kung saan nagbigay ng lecture si AJ Dimarucot, isa sa pinaka prolific na illustrator sa Pilipinas ngayon.

 

 

Tulad ng talk ni Dan Matutina sa Graphika Manila, parang nagkukuwento lang si AJ. Sinimulan niya ang salaysay sa kanyang unang collaboration para mabuo ang groupong (tambalang) Collision Theory.

 

 

Ay mali. Nagsimula pala ang talk niya sa kuwento ng pag-design ng mga website nung nasa paaralan pa lang siya. May nasabi yata siya tungkol sa isang (sarkastikong) Erap appreciation site. Eto silang dalawa sa Collision Theory na gumuguhit sa mga mga balibayan box.

 

 

Graffiti.

 

 

Set (store?) design para sa isang US shoe and apparel company.

 

 

Dito naman, ikunukuwento ni AJ ang kanyang hilig sa mga pattern.

 

 

Kung paano niya inilalapat ang mga disenyo sa karaniwang kagamitan, tulad ng unan.

 

 

Sa yugtong ito, dumating ang usapan sa pag-aasawa at sa pagpapalaki ng pamilya. Halata namang mahilig magbiro si AJ, kahit na pinag-usapan na ang pangangailangang magpundar para sa kinabukasan. Mula sa trabaho sa ahensiya, napagdesisyunan nina AJ at Audrey (ang kanyang butihin at mas matangkad na asawa) na mas maigi kung magsikap si AJ sa kanyang sarili.

 

 

Sumali si AJ sa mga t-shirt design contest ng Threadless at Design by Humans. Ito ang isa sa mga nauna niyang gawang ang tema ay Thousand Cranes. (May kuwento pa sa likod nito, pero medyo mahaba na at masalimuot.)

 

 

Ang eklipse.

 

 

Ang gandang tingnan ang apoy ng araw na yumayakap sa buwan na parang dragon.

 

 

Ang “Paint It Red” na disenyo ng skyline ng siyudad sa dumudugong langit.

 

 

Hindi na kailangang sabihing hilig talaga ni AJ ang mag-drawing, at nalaman niya sa kanyang patuloy na pagsali sa mga contest na nakakahawa ang kanyang passion sa kanyang ginagawa: sadyang dumami ang kanyang winning designs dahil sa dami ng nagkagusto (online vote ang batayan).

 

 

Batay naman ang “Electric Sky” sa  aurora borealis.

 

 

Di lamang sa t-shirt ito lumabas; pati na rin sa likod ng mga laptop at smartphone.

 

 

Ito na siguro ang pinaka paborito ko sa mga design ni AJ: ang “When Pandas Attack”, na isa na rin sa all-time bestseller ng Threadless.

 

 

Sobrang patok ang design na di lamang ang mga bumibili sa Threadless ang nagka-interes.

 

 

Nagulat na lang si AJ nang lumabas ito sa isang artwork ng isang sikat na “artist” sa US. (Ang leksyon: i-register ang mga design para mas madaling habulin kung sakaling kopyahin/arborin ng ibang “artist”.)

 

 

Ang “Might Makes Right” na paglalaro sa “the pen is mightier than the sword”. Parang naiisip ko rin ang piano. Magandang t-shirt ito para sa mga manunulat at journalist.

 

 

“Cloud Bombers” at “Underwater Flight 2″: mga eroplanong gera na ulap ang bomba at salabay in black-and-white.

 

 

Ikinuwento ni AJ na sa kalaunan, nilapitan na siya ng malalaking kumpanyang nagustuhan ang kanyang style.

 

 

At di lang para sa basketball players, para lalo na sa mga boksingero tulad ni Manny Pacquiao. Eto ang idinisenyo ni AJ para sa sahig ng isang boxing ring.

 

 

Ang kanyang collaboration kasama ng Artwork (malapit ko nang i-blog).

 

 

At sa wakas, ang pinaka paborito ko sa kayang mga proyekto: nagpatayo sila ng kanyang asawa ng apparel business para sa sanggol at bata, ang Goo Goo & Gaga. Tamang tama lang dahil sa taon na ito dumating ang kanilang ikatlong anak.

Tunay na nakaka-inspire ang naging talk ni AJ Dimarucot. Umuwi akong di malimutan ang kanyang sinabi tungkol sa pagsunod sa iyong ikinasasaya at ikinalulugod.

 

El Bosquejo

 

 
 

leave your comment