Limang artist para sa Artwork 5×5

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 14th, 2011

 

Kasalukuyang nasa Trinoma Mall ang booth ng Artwork 5×5, isang collaboration sa pagitan ng Artwork, isang retail brand, at ng limang artist (graphic designer, musikero, photographer, atbp).

 

 

Di ko akalaing 18 taon na pala ang Artwork. Nagsimula ito bilang t-shirt manufacturer na gumagamit ng silk-screen printing. Nakahiligan na ng mga customer ng Artwork, karamihan ay teenager, ang style ng kanyang mga design: mapaglaro, sariwa, at may mensahe.

 

 

Nakatulong sa paglago ng Artwork ang taunang pa-contest nito sa t-shirt design. Para ipagdiwang ang ika-limang taon ng contest, nag-imbita ang Artwork ng limang artist (kaya 5x) para ma-engganyo ang mga gustong sumali.

 

 

Ito ang official poster ng t-shirt design competition.

 

 

Ang mga artist sa collaboration: AJ Dimarucot, Everywhere We Shoot, JP Cuison, Nick Automatic, at UP Pharma Down.

 

 

Basahin ang maiikling blurb para higit silang makilala.

 

 

Ang unang t-shirt design ng EWWS (Everywhere We Shoot): kahoy o kahon?

 

 

Ang nakaaaliw nilang birthday cake.

 

 

Ang drummer ng UP Pharma Down, si Ean Mayor, ay graphic designer.

 

 

Ito ang ilan sa kanyang mga design para sa Artwork.

 

 

Kilala na natin si AJ Dimarucot mula sa kanyang lectures. Di ko na nakunan ng letrato ang ilan pa sa mga t-shirt (hiniram ko lang ang ilan dito) dahil pinagbawalan ako ng mga tindera.

 

 

Ang blurb kay JP Cuison, na kilala sa kanyang mga gig poster.

 

 

Ang blurb para sa Nick Automatic ni Nicolo Nimor.

 

 

Sa mimsong booth, makikita ng mga bisita ang steps sa silk-screen printing: ang paghihiwalay ng paglapat ng mga kulay.

 

 

Kung alin ang nauuna at nahuhuli at kung ano ang lalabas sa bawat stage.

 

 

Panoorin ang videong gawa ng Everywhere We Shoot para makita ang iba pang t-shirt hatid ng Artwork 5×5.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment