Ang ika-33 na Manila International Book Fair

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 19th, 2011

 

Nilusong namin ang ulan at ang dala nitong trapik noong Sabado para makadalo sa 33rd Manila International Book Fair. Sa Exhibit Hall 1-4 ng SMX Convention Center ng Mall of Asia ginanap ang book fair.

 

 

Pagpasok na pagpasok, halos malula kami sa dami ng booth at pasilyo. Hindi isang klase lang ng aklat ang ibinibenta: bukod sa mga nobela at tula, marami ring aklat pambata, mga reference books, mga libro ng mga religious, at ang pinaka marami sa lahat ay reference books para sa iba’t ibang klase ng disiplina. Di sorpresa na pinaka marami sa mga dumalo ay mag-aaral.

 

 

May espesyal ring mga booth para sa Filipiniana: mga aklat tungkol sa ating sining, pagkain, kasaysayan, atbp.

 

 

Pinaka matagal kami sa booth ng UST Publishing House dahil may book signing.

 

 

Andun premyadong musikero, emcee, makata, at peryodistang si Lourd de Veyra para mag-autograph ng kanyang dalawang bagong libro: ang “Insectissimo”, mga tula; at ang “Super Panalo Sounds!”, ang kanyang unang nobela.

 

 

Nangalay na siguro ang kamay ni Lourd sa kakapirma at pinagpawisan na siguro siya sa haba ng pila, pero game na game pa rin siya. Naulinigan ng kaibigan kong tinatanong pa niya isa isa ang mga fans tungkol sa kanilang mga buhay, para lang maging personal ang kanyang dedication. Panalo ka, Lourd!

 

 

Ito ang aking nabili mula sa book fair: ang dalawang aklat ni De Veyra, at isang libro ng tradisyonal na mga tula sa Filipino na isinulat ni Rio Alma, isang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan (na dumating rin para sa isang book signing kasama ng iba pang manunulat). Di ko na napapirma ang dalawang akda ni Lourd dahil sa gutom, pero sabi ng ilang kaibigan maghanda raw ako sa pasabog ng kanyang kauna-unahang nobela. Handang-handa na po!

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment