Isang hapon sa atelier ng Gold Dot

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 20th, 2011

 

Matagal ko nang gusto magpagawa ng sapatos, ang tatawaging “bespoke”. Nung sabado lang talaga ako nagkaroon ng oras at panahaon kaya naman minarapat kong bisitahin ang atelier ng Gold Dot, isang local shoe company, kahit na may kalayuuan sa Makati (sa may Congressional Avenue sa Quezon City).

 

 

Ang pangunahing dahilan ay magpagawa ng creepers. Suot ko dito ang prototype ng Gold Dot para sa uri ng sapatos na patag ang takong (para naman tumangkad ako kahit kaunti). Gawa ito sa pony hair, na may kasamang leather strap at metal buckle. Hihintayin ko dumating ang itim na version.

 

 

Pinakita sa akin ni Ally Duazo, ang designer at may-ari ng Gold Dot, ang kanyang leather swatches, para makapili ako sakaling ibang materyal ang gusto kong gamitin.

 

 

Kita rito ang iba pang kulay ng pony hair.

 

 

Ito naman ang “moodboard” ni Ally, kung saan ipinapaskil niya ang mga sketch ng kanyang mga design at ang pinaghuhugutan niya ng inspirasyon.

 

 

Ito ang ilan sa mga naipagawa na at naibenta sa mga customer.

 

 

Bahagi pa rin ng moodboard (kasama si Spiderman), at ang isang sulok sa opisina ni Ally.

 

 

Syempre nakipagkuwentuhan pa kami. Sabi ni Ally, di talaga siya nag-aral ng shoe design, o kahit na fashion. Iba ang kanyang kurso. Sabi ko naman, kaya siguro iba/kakaiba ang kanyang pagtingin pagdating sa sapatos. Kumbaga, mayroon siyang punta-de-bista ng outsider. Bago-bago pa lang ang Gold Dot, pero maraming beses nang lumabas ang mga sapatos ni Ally sa Philippine Fashion Week at sa mga local na magazine. Pinakita niya sa akin ang ilang bagong design para sa darating na fashion show ni Don Protasio ngayong Oktubre.

 

 

Ito ang ilan sa paborito kong mga design. Clockwise, mula sa top left: Dani platforms, Dolly pumps, ang dalawang bersyon ng Cassandra peep-toe: kulay kalawang at cream.

 

 

Clockwise, mula sa top left: Mike platforms, Kookie booties, Lloyda maryjanes, Karl slingbacks, Carrie boots, at Lloyda maryjanes ulit.

Excited na ako para sa aking ponyhair na creepers! Ipapakita ko sa inyo kapag nagawa na.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment