Michael Cacnio x Lego sa Greenbelt 5, Makati

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 22nd, 2011

 

Nakita na natin ang mga eskultura ni Michael Cacnio noong huling ManilART exhibit, kung saan pinaghalo niya ang tanso at salamin.  Ngayon naman, nakipag-collaboration siya sa Lego, isang kumpanya ng laruan para muling magbigay-buhay sa mga pang-araw-araw na eksensa nating mga Pinoy.

 

 

Sino sa ating lumaki sa paglalaro ng buli-bulinggit na Lego ang makakalimot kung paano tayo nakabuo ng mga bahay, kotse, at iba pang gamit mula sa ating imahinasyon? (“Inspiration”)

 

 

Naaalala ko pang hila-hila ang kapatid kong babae sa luma naming Radio Flyer wagon.

 

 

 

 

Kaya lang di kami close ng kuya ko kaya wala kaming ganito.

 

 

Isa sa mga pinaka nakakaaliw sa exhibit. Kulang na lang ito ang pamagat: “Patayin sa Sindak si Bantay”.

 

 

“Kindness” ang pamagat nito.

 

 

Pwedeng: “Kakasya Kaya ang Gatas?”.

 

 

Eto naman ay “Perseverance”. Sana hindi “Illegal Lego Trafficking”.

 

 

Isang bahagi lang ito ng eskultura.

 

 

Eto ang nasa likod ng bakod.

 

 

“Persuade” na maaari ring maging “Bisto ni Misis”.

 

 

Ang “Challenge”. Nakakaaliw ang paghahalo ni Cacnio ng Lego sa kanyang mga gawa: walang lumalabas na pilit at bagay na bagay sa kanyang pinapaksa.

 

 

Ang dampang binuo sa taas ng “batong” Lego kaya pinamagatang “Support”.

 

 

Ang “Diligence”. Laging nakalalambot ng puso ang mga tableau ni Cacnio.

 

 

Lagi niyang pinalalabas ang mabuti sa ating sarili. (Dito, tubig sa timba ang Lego. Yelo?)

 

 

(Bakit kaya “Chastity” ang pangalan nito?)

 

 

Ang “Courage” o “Tapang”. (Naisip ko bigla ang “Up” na pelikula.)

 

 

Ang “Fill Me Up” na sa tingin ko’y puwedeng patungkol sa pagkakawang-gawa.

 

 

At sa wakas ang “Tenacity”. Sa galing ni Michael Cacnio sa paghahalo ng kasangkapan, sigurado akong marami pa siyang darating na collaboration.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment