Ang magic ramen ng Wabi-Sabi

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 28th, 2011

 

Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa Wabi-Sabi, isang Vietnamese noodle house sa The Collective, Makati.

 

 

Madalas ko na rin itong nadaraanan, tuwing pupunta ako ng Ritual o dadalo sa iba’t ibang event. Tamang-tama lang at gutom ako nang huli akong nakabisita. (Akala ko noong una, nakaparada lang yung bisikleta sa harap. Display pala.)

 

 

Simple lang ang menu ng Wabi-Sabi.

 

 

Tsaa, siopao, siomai, sandwich, cracklings, at ramen.

 

 

Maliit lang rin ang kanyang lugar, na may ilang lamesa. Pero kita naman sa mga larawan ng customer sa dingding na paborito ito ng kanyang mga suki.

 

 

(Ramen Padilla at Fernando Pho, Jr: mga pangalan ng artistang ginawang pagkain.)

 

 

Dahil ramen ang madalas kong marinig mula sa foodie regulars, yun ang aking in-order. Shoyu Ramen, na pinaanghang ko pa nang kaunti.

 

 

Plano ko sanang kunan ang sarili kong order pero dahil sa sobrang inip (nabigay ng waitress sa iba ang dapat sa akin) at sa gutom, nakalimutan ko ang tungkol sa blog na ‘to nang nagsimula na akong kumain.

 

 

 

 

Di ko alam kung anong mahiwagang sangkap ang nasa Shoyu Ramen ng Wabi-Sabi, pero halos makalimutan ko ang aking sarili. Pinagpapawisan sa anghang, sinimot ko ang ramen, sabaw, gulay, seaweed, karne, at itlog. (Mga larawan ng Shoyu Ramen mula sa Iya Santos Online, Our Awesome Planet, at The Creative Dork.) Naalala ko na lamang na kailangan kong kunan ang aking kinain nang naubos ko na. Doon lang ako natauhan.

Iba naman ang aking pagpipiyestahan pagbalik.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment