Alien Natives sa Vinyl on Vinyl

by Be-Blogger Pilipinas on: Septiembre 30th, 2011

 

Ito ang makikita sa loob ng salamin ng Vinyl on Vinyl sa The Collective: isang nakangangang mamamatay-panda.

 

 

May exhibit doon ngayon ang Angry Woebots at si Dee Jae Pa’Este, dalawang Pinoy na artist na ngayo’y nakatira na sa US. Matatawag silang “aliens” dahil sa ibang bansa sila naninirahan, o mga native na nagbalik.

 

 

Pero kita sa poster na maaari ring maging alien ang katutubo. Ang panda na galing sa kalikasan ay maaaring magmukhang halimaw.

 

 

Ang mga taong-tribo ay maaaring magmukhang tunay na kakaiba dahil sa kanilang pagiging exotiko.

 

 

Kung papapiliin ka, alin mas gugustuhin mong alaga sa bahay?

 

 

Panda na malalaki ang pangil o ang malumanay na oso? (Mahirap ba alagaan ang hipon?)

 

 

Maari ring tingnan na ang ganitong larawan ng panda ang dulot ng buhay-siyudad.

 

 

Kumpara sa mga likha ng Angry Woebots, naturalistic ang approach ni Dee Jae Pa’Este.

 

 

Mala-Pocahontas na mahilig sa electronica.

 

 

O “Lion King” na pinagsama sa “Transformers”.

 

 

 

 

 

 

Alin ang mas trip mo?

 

 

(Ito naman ang “graffiti” sa labas ng Vinyl on Vinyl.)

 

 

Happy weekend!

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment