Bagong app ng Benetton

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 4th, 2011

 

Kaka-download ko pa lang ng app ng Benetton para sa iPhone. Eto siya sa sulok ng page 2 ng aking apps. Nasa display page ang latest collection, para sa Autumn Winter 2011.

 

 

Masasabi kong kumpleto ang laman ng app; wala ka nang hahanapin pa o kailangan pang i-Google para sa pinaka huling media galing sa brand: mula sa collection, campaigns, at videos hanggang sa pinaka sariwang balita at mapa ng mga shop ng Benetton.

 

 

Makikita isa-isa ang mga damit mula sa mga collection.

 

 

 

 

 

 

Ang campaign shoot.

 

 

 

 

Puwede mo pang makita kung paano nabuo ang campaign sa pamamagitan ng isang behind-the-scenes video!

 

 

Sa news section mahahanap ang lahat ng event ng Benetton, mga bagong labas na produkto, pati na rin ang iba’t ibang promotions.

 

 

Sa stores section ko nalaman ang pinaka malalapit na branch ng Benetton sa Makati.

 

 

At maaari ka pang mag-browse ng app nang di nababato habang nakikinig sa sarili niyang web radio.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment