Balik sa cartoons at comics

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 5th, 2011

 

Sa dagat ng stripes, plaid, paisley, at kahit na ng polka dots, madaling magsawa sa damit na animo’y walang buhay, sa outfit na, kumbaga sa buhok, ay matamlay at bagsak.

 

 

Naghahanap tayo di lang ng mas matitingkad na kulay, kundi ng kaunting humor at personality. Kaunting katuwaang maiintindihan kahit ng bata – o ng mga child-at-heart. Buti na lang at madaling balingan ang illustration at graphic design para sa ganitong pangangailangan.

 

 

Sino ba namang hindi makakaalala ng kinalakhang cartoons sa TV o mga tauhan sa comics, na lumabas rin sa mga coloring book, lunch box, damit, at kung ano-ano pang gamit. O ng mga karakter mula sa mga alamat at fairy tale. Sa palagay ko, ito ang dahilan kung bakit laging may bahagi nating natutuwa o nagagalak sa tuwing binabalikan natin sila.

 

 

O sinusuot kahit na sa pagtanda, maging sa kamiseta, sa kurbata, at minsan kahit na sa kapote. Kaya naman laging uso ang cartoons at comics. Di lang dahil paborito sila ng kabataan, balon rin sila ng nostalgia.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment