Mayday: Saklolo kay Mei

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 11th, 2011

 

May sakit si Mei Bastes, ang nagpasimuno sa Meiday, isang event kung saan unang tumugtog ang kanyang kaibigang mga banda at sa di kalaunan, lumaki bilang isa sa mga pinaka kilalang music gig sa Metro Manila. Kaya naman, nang nagkasakit si Mei at nangailangan ng tulong, di nag-atubiling sumugod di lamang ang unang mga bandang tumugtog para sa kanya, kundi pati na rin ang mga batikang musikero, artist, at ang madlang art/music lovers.

 

 

Umabot sa 16 na banda ang tumugtog nitong huling Biyernes sa B-Side sa The Collective, kasama ng ilan pang DJ. Itong dalawang poster ay gawa ni Rob Cham. Maliit lamang kung tutuusin ang singil na P250 (entrance na may kasamang beer) o P400 (entrance at t-shirt na gawa nina Rob Cham, Everywhere We Shoot, at Retardo) dahil karamihan ng Meiday event ay walang bayad; beer lang ang kailangang bilhin.

 

 

Ito ang napili kong kamiseta, gawa ng Everywhere We Shoot.

 

 

Andun din ang KST na nag-spray paint ng graffiti para kay Mei.

 

 

Naging malaking tulong ang Meiday para sa mga independent band. Sinimulan ito ni Mei Bastes noong 2008 pa, dahil para sa kanya di maganda ang pagtrato ng industriya sa mga bagito. Nang lumawak ang kasikatan ng Meiday, nilapitan siya kahit ng mga batikang musikero para lang maging bahagi ng kanyang events.

 

 

Eto siya, kamukhang kamukha ng naka-graffiti. (Photo ni Astrid)

 

 

Kamakailan lang ay nagsara ang Mogwai, isa sa mga lugar sa Cubao X na nakasanayan nang dumugin ng mga banda at ng kanyang mga kaibigan. Pero marami pa namang ibang lugar para idaos ang Meiday, at sigurado akong mas malaki pa ang plano ni Mei para sa kanyang nasimulan.

Sana tuluyan na siyang gumaling!

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment