Mga bulaklak sa Dangwa

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 12th, 2011

 

Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa Dangwa, ang bagsakan ng bulaklak sa Sampaloc, Manila. Napuntahan ko na dati ang Balintawak, ang malawak na palengke/bagsakan ng lahat ng uri ng karne, prutas, bigas, at kung ano-ano pa, pero di ko inakalang ang bagsakan natin ng bulaklak ay mas malaki pa rito. Sa katunayan, di ko nga nadaanan lahat ng tindahan sa mga kalye ng Dos Castillas, Laong-Laan, Maria Clara, at Dimasalang.

 

 

Sa Dangwa tumutungo ang marami sa mga may-ari ng tindahan ng bulaklak. Marami ring dumidiretso rito para magpagawa ng flower arrangement, maging para sa kasintahan, sa kaarawan o piyesta, o para sa patay.

 

 

Nakakaaliw na pati ang mga lampara sa Dangwa ay hugis bulaklak.

 

 

Marami akong nakitang bulaklak na kilala ko na, pero mas marami ata akong nakitang di ko mawari ang pangalan, saan galing, at mas lalo na kung saan gagamitin.

 

 

Merong mums na akala ko’y everlasting. (Daisy ba ang katabi?)

 

 

Sangkatutak na rosas.

 

 

Di ko na alam/maalala ang tawag dito at sa mga bulaklak sa ibaba, liban sa orkidyas at bird of paradise. Meron pa atang bulaklak na mukhang utak ng corales.

 

 

Di lang puro bulaklak ang tinda nila, meron ring mga shop na sari-saring dahon ang binibenta.

 

 

Sana matuwa rin kayo sa mga larawan tulad ng pagkatuwa ko nang walang-direksyon akong lumibot ng pasikot-sikot ng Dangwa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment