Aliw at ginhawa mula sa Apple iOS 5

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 14th, 2011

 

Kakalabas pa lang kahapon ng bagong operating system na Apple, ang iOS 5, at di ko pa lubusang maitago ang aking galak. Para akong batang nakatanggap ng maagang aginaldo nang mai-update ko ang OS ng aking Macbook Pro, iPhone 3GS, at iPad. Syempre, ang pinaka kinaaliwan ko ang iCloud, ang bagong app na gumagamit ng cloud computing para maiugnay sa pamamagitan ng internet ang mga Apple device.

 

 

Ito ang screen sa aking iPhone matapos ma-download ang iOS 5.

 

 

Isa isa kong pinalitan ang settings ng ilang apps para magamit ang mga feature ng iCloud. Una ang Contacts, para sa tuwing magdadagdag ako ng kakilala sa iPhone, automatic na masasama siya sa address book sa Macbook at sa iPad.

 

 

Sunod naman ang Reminders (bagong app) at ang Calendar. Di ko pa masyadong nagagamit ang Reminders, pero nagpapasalamat ako sa instant update ng Calendar, para tuwing pagbukas ko ng Calendar app sa laptop o ng Outlook sa desktop, andun na lahat ng bagong gawaing sinave ko na sa iPhone.

 

 

Para naman sa Safari ang Bookmarks, para puwede ko nang balikan ang lahat ng website na minarkahan ko sa laptop sa iPhone at iPad. Biro lang ang nakalagay dito ukol sa Notes. Dahil sa iCloud, mukhang di ko na gagamitin ang notes function ng Dropbox.

 

 

Isa pang mahalagang bagong feature ng iOS 5 ay ang update sa Twitter at Photos. Maaari nang diretsong i-tweet ang mga larawan mula sa Photos. Maaari na ring gamiting ang Twitter mula sa ibang app.

 

 

Magic! Puwede nang i-split ang keyboard sa iPad para sa mas madaling pag-type ng email, ng note, o kahit saan pang gumagamit ng keyboard.

 

 

Eto ang Notification Center. Isang tap lang sa ulunan ng Apple device at lalabas na lahat ng mensahe – mula man sa Messages, sa Twitter, sa email, sa Calendar, atbp. Bawas aburido para sa mga palipat-palipat ng app.

 

 

Ngayon, maari nang magpadala ng text at picture sa iMessage, isang update sa Messages app. Basta naka-WiFi o 3G ang iyong kausap (na naka iOS 5 na rin), di na kailangang gumastos sa text at wala nang limit sa characters. Makikita mo pa kaagad kung sumasagot na ang iyong kausap (sa pamamamagitan ng “…”).

 

 

Sabi sa guide, integrated na ang Reminders sa Calendar. Kailangan ko na itong aralin! Para naman di ako laging nagka-cram.

 

 

At sa wakas ang Newsstand, kung saan mailalagay na ang lahat ng iyong app subscriptions.

Ano para sa iyo ang paborito mong bagong feature ng iOS 5?

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment