Brian Tenorio: Sagipin ang Industriya ng Sapatos

by Be-Blogger Pilipinas on: Octubre 21st, 2011

 

Eto si Brian Tenorio, design at branding specialist sa ADB. Pero tulad ng iba pang hyphenate sa Maynila, hindi lang iyon ang kanyang ginagawa. Bukod sa pagiging chair ng Designers for Development Network, nag-dedesign din siya ng sapatos, ataul, alahas, muebles, at iba pa. May panahong gusto na niyang iwanan ang pag-design ng sapatos, pero mukhang binawi na niya ito. Sa halip, ginagamit pa nga niya ang kanyang kasanayan sa social development upang tumulong sa industriya ng sapatos sa Pilipinas. Malaking hakbang dito ang kanyang pagsali sa Designer Talks ng Ayala Museum, kung saan isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa pag-design sa bansa, pakikihalubilo sa ibang designer abroad, at ang kanyang pangarap para sa ating mga sapatero.

“Save Our Shoes” ang pamagat ng kanyang talk.

 

 

Nakakaaliw at ginawang bahagi ni Brian sa kanyang talk ang aktwal na proseso ng pagbuo ng sapatos.

 

 

Inimbitahan niya sa Ayala Museum ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang sapatero upang makita ng madla ang hirap at busisi sa pagbuo ng sapatos.

 

 

Mula sa hulma para sa katad hanggang sa pagpapako mismo nito sa kahoy, ipinakita ni Brian ang kahalagahan ng matagal na karanasan upang magawa ito nang mabilis at maayos. Sa kasawiang palad, nagsara na ang marami sa mga pabrika ng sapatos sa Marikina. Pero sinisikap ni Brian na buhayin muli ang industriya sa pamamagitan ng pag-engganyo at paghamon sa  mga designer at negosyante.

 

 

Sa ika-tatlong palapag ng Ayala Museum naka-display ang ilan sa mga likhang sapatos ni Brian. Una na ang “Eight-Leather Monster” na yari sa walong klase ng katad. Plastik na bersyon ang nasa gitna.

 

 

Heto sila nang malapitan.

 

 

Ang iba pa niyang disenyo, na gumagamit ng bato at pinagtupi-tuping katad.

 

 

 

 

Ito naman ang mala-Lady Gaga na wedge na yari sa patent leather. Babagay sigurado sa mga bahaing kalye ng Metro Manila. Sana kumagat ang mga designer na nakinig kay Brian, dahil napaka raming malikhain at maabilidad sa bansa na ang kailangan lamang ay kaunting inspirasyon at suporta.

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment