Yard Sale sa Pasko

by Be-Blogger Pilipinas on: Diciembre 23rd, 2011

 

Eto ang itsura ng Fiamma bar sa Jupiter Street sa Makati kapag umaga, pag di na madilim at wala nang naglalasing.

 

 

Dito ginanap ang Status Yard Sale noong nakaraang Sabado, kung saan nagbenta ng damit, accessories, at anik-anik ang mga local designer, mag-aaral, at lahat ng interesadong magtinda ng bago at pinaglumaang kagamitan. (Mayroon din syempreng nagbenta ng pagkain.)

 

 

Ito ang isa sa mga rack ng Proud Race na puno ng animal print at camouflage.

 

 

Isa sa mga kikay na lamesa na pinaglatagan ng feather earrings at nail polish.

 

 

Ang booth ng Fifth Code, isang menswear label, na di lang nagtinda ng jackets, nagbenta rin ng salamin na walang salamin, bowtie, patches, at pins.

 

 

Isang sando ng Proud Race na may panther at kamiseta sa isa pang booth na may lobo.

 

 

Black-and-white graphic-designed shirts mula sa Woozy.

 

 

Ang mga rack ng Fifth Code.

 

 

Eto naman ang lamesa ng Gold Dot na nagtinda na kakaibang mga sapatos at cuff na yari sa plastik.

 

 

Ilang shredded na mga damit ng Paradigm Shift.

 

 

Super cute na mga cupcake na sa unang tingin akala ko’y magnet sa ref.

 

 

At sa wakas ang aking lamesa para sa Bosquejo. Medyo nakakapagod magtinda sa bazaar pero uulit-ulitin ko pa rin dahil sa dami ng iba’t-ibang taong maaaring makilala at para na rin upang muling makasama ang ibang mga designer na naging mabubuting kaibigan.

Sana makita ko kayo sa susunod na bazaar!

El Bosquejo

 
 

leave your comment