Abaca at capiz: Ang henyo ng katutubo

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 13th, 2012

 

Nagsulat na ako dati tungkol sa iba’t ibang klase ng mga katutubong tela sa Pilipinas, ngunit di ko pa nababanggit o naipapakita kung paano sila maaaring gamitin para sa kontemporaneyo at pang-araw-araw na kagamitan. Tingnan halimbawa kung paano nagagawang bag ang tinalac na hinabi mismo ng mga miyembro ng tribong T’boli, at ang abacang tradisyunal na gamit ng mga Mandaya.

 

 

Sinasabi sa akin nina Carmaela Alcantara at ang kanyang nanay na si Mae, ang mga designer ng Crystal Seas, na hinalaw nila mula sa kultura ng mga katutubo sa Mindanao ang disenyo ng kanilang mga likha.

 

 

Batay sa sa tradisyunal na estilo ng embroidery ang pagkakagawa ng mga bag: ang bawat abaloryo (o bead) ay mahigpit na nakatali.

 

 

Nakakaaliw makita ang tinalac na ginagamit para sa mga modernong clutch at minaudiere.

 

 

Ang ganda rin ng pagkakahalo ng tela sa capiz. Nagawang ngangayunin o current ang katutubong motif.

 

 

Gayundin sa pagkakahalo nito sa mga bato at perlas.

 

 

Isang mahalagang paraan tungo sa sustainability ang patuloy na pagsuporta sa paggamit ng mga tradisyunal na tela at pamamaraan ng paghabi. Huwarang ang Crystal Seas sa pagpapakita sa atin ng kagandahan ng sariling atin.

 

El Bosquejo

 

 

 
 

leave your comment