Tropang pula

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 20th, 2012

 

Para sa akin, higit pa sa itim (na di kasing dali suotin kapag mainit), di nawawala sa panahon ang pula (o ang mga pinsan nitong kulay, tulad ng kahel at burgundy). Sa totoo lang, medyo nakakasawa na ang itim, at madalas mas masayang suotin ang pula.

(Si Andres Espinosa mula sa Bucaramanga.)

 

 

Kumbaga sa apoy, sa pula lamang lumalabas ang tapang ng mukha.

(Si Vini Uehara mula sa Brasil.)

 

 

Pula lamang ang nagpapapusok sa labi.

(Si Kamil Gabriel mula sa Poland.)

 

 

 

Saang bansa ka man, anumang kapal ng damit, kagad lumilitaw sa paningin ang kulay na pula.

(Si Franklin Calleja mula sa Malta.)

 

 

Parang bulaklak sa hardin.

(Si Brett Seiler mula sa Harare, Zimbabwe.)

 

 

Parang araw sa taglagas.

(Si Adil Mizar mula sa Mohammedia.)

 

 

Di tulad ng itim, walang itinatago ang pula. Iisa lang ang kanyang salita: halika.

(Si Hamz L. mula sa Aprika.)

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment