Walang Perou Perou

by Be-Blogger Pilipinas on: Enero 27th, 2012

 

Bumisita sa Maynila nitong huling linggo ang kilalang photographer na si Perou. Pinamagatang “Perouvian Wasteland” ang kanyang exhibit sa Ayala Museum, kung saan nakatampok ang kanyang mga letrato ng sikat na mga musikero, fashion designer, at modelo. Nakikilala niyo ba sila?

 

 

Sadyang pumupukaw sa isipan ang kanyang mga portrait. Sayang at di ko naabutan ang kanyang panayam noong Sabado nang umaga, kung saan pinag-usapan ang proseso at kasaysayan ng kanyang paglikha.

 

 

 

 

Nababagay sa bawat indibidwal, tulad nina Grace Jones at Dita von Teese, ang estilo ng larawan.

 

 

Pinupulot ni Perou ang pinaka mahalagang katangian ng bawat isa, at ito ang tinututukan ng set at camera.

 

 

Mas kilala si Perou para sa mga larawan ng mga miyembro ng banda, na higit na mapaglaro at agaw-pansin.

 

 

(Siya nga pala ang kumuha ng letrato para sa pinakahuling cover ng Status Magazine, yung lalaking may tenga ng kuneho.)

 

 

Sana dumami pa ang ganitong uri ng collaboration!

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment