Kulay buhay: Benetton Man Spring 2012

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 9th, 2012

 

Sa tindi ng lamig sa US at sa maraming bansa sa Europe sa nakaraang mga linggo, sigurado akong lalong umiigting ang pangungulila para sa pagdating ng Spring, o sa Pilipinas, ang tag-init. Kahit sa atin, malamig-lamig ang madaling araw, pati na rin ang mga gabi.

 

 

Nang nakita ko ang Spring 2012 collection ng United Colors of Benetton Man, naisip ko ang luntiang damuhan at ang masarap na hangin ng dalampasigan – mga larawan na sigurado akong di nalalayo sa pinapangarap ng marami sa kanluran.

 

 

Pula, berde, asul, at kahel ang pangunahing mga kulay ng collection: mga kulay ng paglalaro, ng kabataan.

 

 

Malapit na ang panahong ilabas ang matitingkad na mga pantalong pantapat sa malakas na silaw ng araw.

 

 

Syempre, ang shorts at ang paborito kong espadrilles!

 

 

Huwag kalilimutan ang makukulay at maninipis na knit (o tattoo, kung meron ka noon).

 

 

 

Ilang linggo na lang, ilang buwan, at maitatabi na natin ulit sa aparador ang panluksang itim at abong nakasanayang suotin sa taglamig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment