Hot Air Balloon Fiesta sa Pampanga

by Be-Blogger Pilipinas on: Febrero 16th, 2012

 

Huli na nang narinig kong meron palang 17th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta sa Clark Airfield sa Pampanga mula ika-9 hanggang ika-12 ng Pebrero. Buti na lang at nagpaunlak ang isa kong kakilalang maraming kuha mula sa event.

 

 

Di lang pala hot air balloon ang makikita sa fiesta, meron ding kite flying, aerobatic flight display, sky diving, paragliding, rocketry, at marami pang iba.

 

 

Pero siyempre, ang hot air balloons pa rin ang pinaka inaabangan.

 

 

Saan ka ba naman makakakita ng lumilipad na birthday cake.

 

 

O bulaklak (kahit na meron itong mukha).

 

 

Bukod sa karamihang corporate sponsored na balloon, maraming kakatuwa, tulad lamang nitong sundae cone na merong ube (taro?) ice cream.

 

 

Pinaka cute na yata itong lumulutang na six-wheeler na kotse. Pasensya na at nakalimutan ko ang kanyang pangalan (meron ata siyang TV show). Sa susunod na taon na lang siguro!

(Mga larawan sa kabutihang-loob ni John Carl Tan Gozun.)

 

El Bosquejo

 
 

leave your comment